About Nipples🤔

Hello mommies, sino same situation ko dito? 2 years old na si LO and still breastfed po. Hindi po siya mix, pero kumakain na sya solids since mag6months sya at malakas naman sya kumain ng kanin. Kumpleto kain nya. Umagahan, Tanghalian at Hapunan. May meryenda pa. Pero ayaw parin nyang bumitaw at Ok lang sakin yon as long as gusto nya at kaya ko pa. Pregnant kasi ako ulit at nasa 18weeks na. Medyo lumalaki nipples ko at masakit kahit hawakan lang. Lalo na pag dinedede ni LO pero paglipas ng ilang minutes nawawala na yung sakit. Di naman nya kinakagat. Dahil ba to sa pagbubuntis or dahil sa pagpapadede? Malakas dumede si LO pag frustrated sya, naiyak or matutulog. Thanks mommies!

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

sa pagbubuntis yan mi

2y ago

I feel relieved. Kasi ayoko talaga istop ng breastfeed baby girl ko, stop lang kami pag both ready na kami. Pareho kaming di pa handa humiwalay. Baka magtandem breastfeed sila ng new baby namin. Salamat mii😘💖