In laws

Hi mommies. Sino po sa inyo ang nakaranas ng pi napakealaman ng byenan ang pagpapalaki sa anak? Yung tipong kinokontra lahat ng advise ng pedia dahil di naman nya ganon pinalaki mga anak nya? Nafeel nyo din po ba yung ayaw nyo maiwan si baby sa byenan kasi di kayo kampante at sure na ayon sa gusto mo yung gagawin kay baby habang wala ka? Yun po kasi ang nafifeel ko. Sabihan pa baby mo na, 'Kung sa akin ka lumaki, di ka magiging ganyan, spoiled.' E 3 months pa lang baby ko. Sus. Di masabihan ni hubby si mama nya dahil nakailang ulit ng sinabihan, oo lang pero uulitin pa din. ?

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan na ganyan po MIL ko. Pinapaliguan ng pulbo si baby pag di ako nakatingin. Pinapadede ng nakahiga tsaka hindi pinapa burp. Jusko grabe stress ko ngayon pa pabalik na ako sa work di ko alam pano ko sasabihin sakanya na kumuha ako taga alaga sa anak ko. Na ayaw ko sya mag bantay. Dito pa naman kami sa bahay nila nakatira

Magbasa pa
4y ago

I feel you mommy ganyan din MIL ko sobrang nagmamarunong ang hirap makipagtalo sa kanila.