In laws

Hi mommies. Sino po sa inyo ang nakaranas ng pi napakealaman ng byenan ang pagpapalaki sa anak? Yung tipong kinokontra lahat ng advise ng pedia dahil di naman nya ganon pinalaki mga anak nya? Nafeel nyo din po ba yung ayaw nyo maiwan si baby sa byenan kasi di kayo kampante at sure na ayon sa gusto mo yung gagawin kay baby habang wala ka? Yun po kasi ang nafifeel ko. Sabihan pa baby mo na, 'Kung sa akin ka lumaki, di ka magiging ganyan, spoiled.' E 3 months pa lang baby ko. Sus. Di masabihan ni hubby si mama nya dahil nakailang ulit ng sinabihan, oo lang pero uulitin pa din. ?

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po, peri tahimik lang ako as a respect sknya dahil alam ko na away lang kung papatulan ko pa db? so relax ka lang as long na di kayo nakatira sa iisang bahay hayaan nyo lang un time na mag ganun sya. Pero ako kase tumira kame sa iisang bahay kaya ang ending di ko na natiis pinilit nanamen bumukod. Then dalaw dalaw na lang sila kung gusto nila makita si baby. Relax lang po lage, wag nyo masyado damdamin un sinasabi ni motger inlaw my mga ganun kase na dahil mas nauna sila naging nanay alam na nila lahat. Pero minsan may mga tama silang sinasabi about sa pagpapalaki ng baby :)

Magbasa pa