In laws

Hi mommies. Sino po sa inyo ang nakaranas ng pi napakealaman ng byenan ang pagpapalaki sa anak? Yung tipong kinokontra lahat ng advise ng pedia dahil di naman nya ganon pinalaki mga anak nya? Nafeel nyo din po ba yung ayaw nyo maiwan si baby sa byenan kasi di kayo kampante at sure na ayon sa gusto mo yung gagawin kay baby habang wala ka? Yun po kasi ang nafifeel ko. Sabihan pa baby mo na, 'Kung sa akin ka lumaki, di ka magiging ganyan, spoiled.' E 3 months pa lang baby ko. Sus. Di masabihan ni hubby si mama nya dahil nakailang ulit ng sinabihan, oo lang pero uulitin pa din. ?

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

oo mahirap talaga ung ganyan.. ako minsan talaga ayoko iniiwan baby ko sa byenan ko eh.. ikaw todo ka alaga para iwas sakit tapos kht sabhin na may Ubo at sipon c baby sge parin kalalagay ng Polbo at pabango.. ayoko pa namang pinakekelaman pagpapalaki ko sa anak ko.. oo pwede magbgay ng advice pero ung tipong pagpapalaki sa ank ko papakelaman ako ayoko ng ganon.. kahit asawa Ko sinabhan kona.. kinausap naman nya mama nya ang problema dami dahilan kesyo amoy gatas. wlaang amoy.. sabi ko nga lagi ko nililinisan anak ko.. aanhin mo ung mabango dahil nilagyan ng pabango I polbo kung magkakasakit anak mo.. hindi kase sla ang mag aalaga pag nagkasakit kaya sge lang ng sge

Magbasa pa