Mixed feeding

Hi mommies, sino po dito yung mixed feeding? Kamusta po ang mixed feeding? Nagpapa bf po ako kaso nabibitin si lo parati kasi low milk supply po ako. 2 mos na po si lo ko now. May chance pa po ba na i pure breastfeed ko sya? Umiinom naman po ako ng natalac capsule, sabaw, nagpahilot na din po ako, pero di pa din po enough yung milk ko parati bitin si baby, bakit ko po nasabi bitin? Kasi every time po na dumadede sya sakin ilan minutes na po sya na dede maya maya iiyak na sya, tas pag press ko po sa nipple ko wala na po lunalabas. Help naman po momsh baka may alam pa po kayo pwede kong gawin para mag increase yung milk supply ko Para unli latch na kami ni baby. Salamat po.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes possible po na pure ulit. But kailangan po talaga unlilatch para dumami ang milk. Kaya kung pwede itago muna ang mga bote. Kasi kapag nagfoformula ang tendency hindi kasing dalas naka latch ang baby. So ang nangyayari yung katawan po natin less ang ginagawang milk.

Lalo po hihina kapag mixed feed. Hindi naman po nauubos ang breastmilk basta nakalatch si baby. Kapag feeling mo wala na sa boob na left. Lipat mo nman sa boob na right para maempty at magrefill. Pero bago mo po ilipat ng boob paburf mo po muna.

Related Articles