41 Replies
Kami hindi. Hahaha marunong naman akong rumespeto pero yung sya na nga unang nambastos tas babaliktadin nya ako sa anak nya? doon kami nag away. Ratratan tlga kaming dalwa. saka hubby nya iasa sa hubby ko at sa mga bayaw ko yung mga pangangailangan ng anak nya sa pangalawang asawa alam nyang kailangan na kailangan namin ng pera. sige ang hingi lagi ng pera at nagsisinungaling pa mabigyan lang ng pera eh may pera naman sya kasi malaki sinasahod ng step dad ng hubby ko. at isa pa, PLASTIK PA. Kaya sinabihan ko yung byenan ko na di ko tlga ipapakita apo nya sa kanya kasi never nya naman kami kinakamusta hubby ko nga na nag maintenance sa gamot di nya makamusta. kakausapin lang kami para manghingi ng pera at pag di nabigyan kung makapagratrat kala mo pinagdadamutan eh nung di pa ko buntis ako pa nga mismo nagsasabi sa hubby ko magpadala kaya kada bwan nagpapadala. mahirap tlga pakisamahan ang intrimitidang byenan. buti nga wala ako sa probinsya nila kundi sabong tlga. bata padin kasi byenan ko kaya isip bata akala nya dalaga pa sya hays.
Kami nang mother inlaw ko, alam mu ung awkward feeling. Hndi nya ako kinakausap. nag iinteract lang kami kapag nag uusap about sa bta at tsaka kapag my ibang tao. ramdam ko tlagang ayaw nya sakin. kc wala akong work ngaun hands on ako sa mga bta. ayaw nya nang ganun. masyadong high ang standard nya. gusto nya mapera. ibang inlaws nya bukambibig nya kesyo ganito ganyan. never kung narinig ang pangalan ko. dakilang tsismosa din sya gnagawa akong topic parati. ewan ko ba.. swerti nga anak nya sakin kahit piso wla akung binibili para sa sarili ko. buti nlng umalis na kami sa kanila.. feeling ko mbabaliw ako kapag kasama cla hrap mag adjust . kung anung bait at responsable ng asawa ko. bliktad naman sa mga inlaws ko. yun lang. pero pinagdadasal ko pa din na one day mawala awkward feeling namin sa isa't isa.. 3yrs married na kami nang husband ko. ganun parin sya. 😢😢
🙋🏻♀️ nag aalaga naman ng apo, nga lang madaming sinasabi. Tsaka mas marunong pa sya sakin na nanay 🤣 when it comes to financial issues naman, dun talagang di ubra. Di pa nakakapasok sa pinto ang hubby ko, sinisingil na ng kuryente. Di muna natanong kung kumain na ba. Tapos pag di kami nakapagbigay agad syempre nagigipit din, ayun lalo kaming gigipitin at ipaparamdam na wala kaming pera to the point na di nagluto ng pagkain, nagpakagutom din sila ng byenan kong lalaki wag lang kami mapakain 😂😂 btw, solong anak si hubby ko. Kaya hirap sya bumukod kasi nagwoworry sa parents plus sa province pa kami nakatira at medyo malayo sa kabayanan tsk tsk. Dami pa ko kwento eh hahaha mas malala dyan 😂😂😂
We were never close, kahit nung mag-bf pa lang kami ni hubby. Siguro dahil magkaiba ang estado ng pamumuhay ng mga pamilya namin. Maayos kaming pinalaki ng mga parents. Hindi kami mayaman pero naturuan kami ng GMRC. 😁 My in-laws, on the other hand, ay kabaligtaran. Magaspang ang pag-uugali at sa tatlong anak, si hubby ang itsapwera. Fave ni MIL si brother, fave ni FIL si bunsotil na sister. Si hubby ko, parang hangin lang. Hirap sila sa buhay at si hubby nagsariling sikap para makatapos sa college. Kasehodang magkudkod ng toilet bowl sa school para magkapera. Yung dalawa nyang kapatid hindi nakaranas ng ganun. At ngayong maalwan na kami kahit papaano, napapansin na si hubby kasi may PERA na. 😏
simula noong mag jowa palang kami nang anak nya ,ayaw ko na sya ,pasosyal kasi tapos ingetera pa kung ano bago sakin pinupuna nya kaya nung kinasal na kmi ni hubby kahit nga kabilang bakod lang namen sya ngayon diko kinakausap ,ska never kopa syang tinawag na mama, nabbwsit lang ako plastic kasi masyado hulatang hulata pa pgkachismosa pag nakatalikod ako kung ano ano pala sinasabe sa mga kamag anak nila kaya tingin nila sobrang sama nang ugali ko , well wala akong pake , asawa ko naman pakikisamahan ko hindi sila,. nakaka inis lang lalo ngayon buntis ako, ni boses nya ayawko marinig. sus mabait lang ata yun kapag may nkukuha samen.
Ok lang kami pero hindi kami close. Ayoko din makipagclose sa kanya. Plastik eh tsaka judgmental. Noong mag-bf pa lang kmi ni hubby alam ko naman na hindi nya ko gsto kasi mahirap lang kmi. Di rin nmn sila mayaman. Saktong oamumuhay lang. In fact andami nilang utang. Kawawa lang yung FIL ko sa kakatrabaho wla pa din syang ipong pera for retirement. Social climber kasi. Tsaka feeling maalam sa lahat. Never din nmn syang nagka-care ky hubby noong nagsisimula pa lang kming mag-struggle for our finances. Ngayon na medyo nakaluwag-luwag na ng dahil na din sa sariling sikap naming dalawa, eh biglang mahal na mahal nya na anak nya.
Me. Feeling kasi ni MIL magastos/maluho ako. Hahaha. When in fact sya itong magastos at maluho. Hihi. Di ako mahilig mag shopping galore tulad nya, pero mahilig ako mamili ng alahas. Dun lagi napupunta pera ko. So akala nya, nagkaafford lang ako ng ganun dahil sa anak nya. Pero ever since talaga kaht nung nag aaral pa ako nag cocollect na ako since only child ako at yun lang naman hinihingi ko. Di ko naman kasalanan na di sya bumili nung time na single si hubby and continue pa rin naman sustento nila but palaging complain na kulang. Lahat naman ng anak may trabaho.
Hindi naman talaga magiging perfect ang relationship between byenan and manugang, meron sigiuro pero madalang lang. Ako yung byenan ko tamang OK lang haha. Me pgka pakilamera din naman pero sinasabi ko rin sakanya yung paniniwala ko bout sa mga bagay bagay, di naman sia kontra nakikinig lang din. Meron pa dian kung dko sia feel kausap wala naman problema. Sinasakyan ko lang ugali nia lalo wala naman talaga tao na perpekto ayun so far okay naman kami, minsan nga pinag kakaisahan pa namin asawa ko na anak nia. Hahaha
Ewan ko kung okay ako saknya. Kinakausap naman niya ako tas halos siya gumagawa sa gawaing bahay only child kasi husband ko kaya nasa iisang bubong kami. Yon lang may pagkatsismosa biyenan ko kaya halos diko mapagkatiwalaan and mejo naiinis ako kasi siya na lagi nagiinsist gumawa lalo pati na sa pagaalaga ng baby ko jusko feeling niya sya dapat sa lahat ata e kaya feel ko minsan naiichapwera ako pagdating sa pagiging mother . Eh mother naman na din ako at asawa haaays
Me... Nung mag jowa palang kami ng bf ko uk nmn siya kaso nung nagka anak na kami dami na nyan issues sa akin. Gusto niya kasi dati nung 1 week palang akong nanganganak pumunta kami sa lugar nila kaso d ako pumunta kasi cs ako tapos 1 week palang akong nanganganak baka anong mangyari saakin. Kaya yun dami na nyan sinabi sa akin. Tas ni isang beses d sya bumisita o pumunta sa bahay namin simula lumabas kami sa ospital kasi gusto nya kami pumunta sa kanila
Anonymous