Mother inlaw

Mommies sino dito hindi okay sa mother inlaw niya or hindi feel and why?

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Me kasi kapag nalalaman nyang nag away kami ni hubby akala mo gera pupuntahan nya tapos biglang sasabihin sa anak nya. Bakit pa kasi yan pinili mo dba sabi ko sayo nuon pa dapat si ..... nalang. Tapos sasabihin nya pa na pinikot ko lang anak nya 🀣🀣🀣🀣 bakit hindi nya kaya itry tanungin anak nya kung bakit nabuo apo nya🀣 saka baka hindi nya magawa yun dahil pinipilit nga nya hindi sa anak nya tong baby ko eh.

Magbasa pa

Una palang maging kami ng anak nya ayw nya na sakin .. nag away pa kami dati Kaya galit na galit yun sakin kasi lumalaban ako e .. syempre alam ko nasa tama ako .. di namn ako iniwan ng anak nya kahit sinabi nya wala daw ako respeto ... Which is alam namn ng anak nya kung ano totoo nangyare.. di nga namin pinalaam na buntis ako ngayon e . Family kulang may alam di namn kasi judgemental family ko πŸ˜‚

Magbasa pa

Hndi ko masabi n hndi kmi okay. hndi kase palakibo ung mga in laws ko. basta pag kakain na dun lang un nag ssalita para alukin ako kumain. sya din lahat nag lluto. never ako nag luto kse di ako marunong hehe. inaasikaso nmn nya ung panganay n anak ko pag nattulog ako. sabi ng pinsan ng asawa ko swerte daw ako kase yung asawa ko ang paborito. at dto pa kmi sa knila nakatira

Magbasa pa

Civil pero hindi super close. Magkaiba kami ng lifestyle kaya sya mismo ang lumalayo. Ayaw nga nya mag-alaga ng baby ko pero yung ibang apo nya alagang alaga nya. Feeling ko namamalimos kami ng baby ko ng atensyon nya. Akala nya yata porke may kaya kami sa buhay ay okay lang wag silang mag-effort na tulungan or kumustahin man lang kami. Di sya nakakatuwa.

Magbasa pa

Okay naman yung MIL ko. Mabait, mapagbigay at understanding sya. Issue ko lang sa knya is yung halatang mas gusto niya yung panganay nyang manugang (since bunso po yung napangasawa ko) and matagal ko na yun tanggap. Kaya pag video call sila hindi ako sumasali. Nasa abroad pa rin sya til now. Yung FIL ko naman mas okay kami since nakilala ko si partner ko.

Magbasa pa

Okay naman ung MIL ko pero paulit ulit sya minsan pag banggit ng mga pangalan ng ex ng asawa ko na minsan nakakabastos na ng di nya nalalaman or sadyang ganun lang talaga sya, pero okay naman kami malambing yun sakin and maasikaso wag lang totopakin kasi parang bata din. Yun lang naman issue ko sakanya, lagi nagbabanggit ng mga past ng asawa ko. πŸ˜‚

Magbasa pa

Bf ko plang sya nun ehh.. kung ano ano na ang sinasabi nya babaeng aso dw minumura pa khit kailan d pa namn kmi nag kita ng nanay nya dhil nasa abroad kmi nagkakilala .. kaya yung asawa ko d namin pinapaalam sa mama nya na buntis ako.. at sabi ko sa knya hinding hindi mo ako ma papa punta dun sa nanay nya

Magbasa pa

Im happy ok kme ng MIL ko, kahit mag bf/gf palang kme nuon, parang aq pa ung anak nila kasi mas kinakampihan aq ng MIL pag may nd kme pagkakaunawaan ng asawa ko, although meron at meron paring ugali na mapapansin perobkayang kaya naman i handle, i love them also like my husband love them.

Ako, dumidistansya lang ako. Hindi naman sa ayoko sa kanya or ayaw niya sakin. Ayoko lang magkaron ng rason para mag-clash kami, dahil baka di niya ma-gets o maintindihan ang topak ko πŸ˜‚ Mabait naman siya sakin, so far wala pa naman kaming nagiging issue. Maiipit si Hubby samin.

Ako hindi din kasi parang nanadya siya imbes na makaipon kmi inaasa sa lip ko ung mga need ng ibang anak nya. Tapos pag my pera yun at kinakamusta ni lip ndi nagrereply pero pag walang pera mayat maya message ng message. Pag my problema kmi lagi ni lip ang sumasagot sa expenses.