confused
moms okay lang ba yung pinapadede si baby kahit tolog sa bottle po..? para kasing hindi dapat peru ganon ginagawa ng mother inlaw ko..
opo pwede nman un basta humingi po sya ng dede at nakatulugan nya ganun tlaga po mga bby kahiy tulog nagdede pa rin sila pero dapat karga nio po bby nio while pinadede, ganun kasi ako kaht antok na antok ako tatayo ako magtitimpla ng milk n bby ko kasi wala na akong gatas sa dede ko, hinihintay ko gang maubos ung denidede n bby ko at pinapaburf ko sya khit 2log, minsan din d na sya nagbuburf pero d ko agad sya hinihiga
Magbasa paOkay lang un, may tinatawag na dream feeding. Kailangan lang nakataas ulo ni baby. Pag 6 hours na at di pa nadede baby ko, binubuhat ko sya kahit tulog at pinapadede tapos pinapaburp din. Kung di sya magburp, hawak ko lang sya ng 10-30 mins hanggang magsettle tyan nya at maiwasan maglungad.
Basta hindi sumusuka, kapag sumusuka kasi naoverfeed na yun. ako kapag madaling araw pinapadede ko si Baby naka tagilid nakapikit siya pero naglalatch siya. inoorasan ko kasi yung feeding niya hindi ko inaantay na umiyak siya
wag po hayaang magpa dede ng basta2x sa baby kung tulog lalo na sa battle at kailangan may unan sya na maliit para safe kasi pag naka higa lang dilikado baka malagyan yong lungs nya ng milk at mahirapan sa pag hinga
pwedi naman po padedehin kahit natuulog cya Pero I siside nyo lang po para po page nagsuka cya lumalabas po sa gilid.ok lang na dumedi Lalo na kapag hindi po cya himihingi ng dede nya at oras na para sa dede..
ok lng po sis basta nakabantay kau kay baby pwede kasi xa ma choke at kung pede lang po sana mas mataas ang ulo nya kesa nka flat lng pra mas safe po sa baby 😊
wag iwan ang bote sa bibig ni baby kung natutulog na. nakakasama sa dental hygiene niya. at baka machoke pa kung sobra ang milk na bumubuhos sa bibig niya
Nope. Hayaan lng po na c baby ang manghingi ng dede. Then pag magpapadede dpat elevated much better if kargahin c baby pag magpadede ganun kasi ako. 😊
Pwede naman as long as babantayan si baby and elevated yung ulo nya para hindi mapunta sa baga yung gatas which will cause halak.
Yes po, baby ko until 4years old umiinom ng milk kapag gabi at tulog.. Minsan nakaka 2 na bottlefeed pa xa sa buong magdamag..
Queen of 1 curious princess..