191 Replies
Edd ko oct 11 pero nanganak na ko nung sept 28 ☺️ excited lumabas si baby ko ❤️ pero nakakaramdam ako ngayon ng baby blues. Parang post partum depressio. Didn't expect mararamdaman ko to ksi I really wanted to have a baby. Pero ganito pala feeling. FTM ksi ako. Nag aadjust pa ako as a Mother. Hirap pag di mapatahan si baby. Nakakaiyak. Pero kaya. Saka medyo nasanay kasi na prinsesa nun buntis pa. Haha
October 26 po ako. .hirap po makatulog. Sa tanghali namn hirap din kasi super likot nya. Di ko pa alam kung boy or girl nakapagpa ultrasound na ako kaso di makita dahil nakatagilid sya. Excited n ako malaman kasi may tw0 girls na ako. Sana boy na nababasa ko naman lahat yata ng oct. Karamihan ay boy. Masaya ako kasi boy ang lalabas ngayon oct.
Oct.22 here...medyo worried kc mataas sugar level pero so far dipa ko nag iinsulin hopefully ndi..pero si baby malikot at laging gutom...hehehe..need to control everything..di pa sure kung kakayanin sa lying in or hospital, kung cs or normal delivery..praying all is well specially si baby..FTM@36..Good luck evryone😁
oct.9 due date s ultrasound q..my damit n ako png bby new born bigaybigay lng ndi n ako bumili sbi dw mbilis lng dw lumaki sanggol ngaun. peo my kulang p dn ako....im so xcited..n c bby girl ko..likot n nya po s tummy ko gusto kna sya mahalikan myakap.. hehe😊😊thank u LORD and PRAISE GOD..🙏🙏
October 8 po edd ko pro elective CS po ako kya po by Sept po last wk pde n dw po ako maopera. Active and lively po c baby sa tyan ko. May times na sinisinok sya. May time na nd ko alam kung anu gngwa nya haha. Most of the time nman po galaw sya ng galaw. 😊
Oct 1 ako sis. Pero sept10 onwards pwede na ko manganak.sa ngayon bedrest kasi possible sa premature kaya iniiwasan kumilos. Hirap matulog,masakit likod kakahiga .at bigat ng chan..sakit pa pag nagalaw sya.. Ramdam na ramdam ang buto nya wahaha
October 23 aq and hirap naq mag ki2los o kahit matulog dumag-dag pa ung nag tatae aaq ng 1 mag hapon at humihilab ang tyan q kala q mamga2nak naq pero pinahilot namin xia kya ala nasakit kc nasiksik xia sa gilid kya ngaun nka porma na baby q..
Ako po! October 17, sumasakit sakit ang puson,balakang,singit,pero pasulpot-sulpot lang, kaso kumokonti na yung amniotic fluid ko 😔 baka paanakin na ko ng ob ko this weekend.. hopefully makapag normal delivery kami ng baby ko..
May lumalabas din kasi mamsh white . pero konti lang.
Oct.11 edd ko pero baka di na abutin ng oct. Baka lastweek na ng sept. pwede na lumabas si baby😍 super excited na din. Hindi ako kinakabahan sa labor at panganganak ksi feeling ko kakayanin ko naman
Me oct. 26 to 29 pero floating pa si baby at closed pa cervix. Pls pray po na pumwesto ulit sya at mag engage na para normal delivery lang. Salamat. Excited as well. God bless sa ating Octoberian Moms
shyn