Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
excited mom
skl
Nakaraos nadin ako ? sept. 25 ng madaling araw sumakit puson at dinugo ako ng mejo brown.tinakbo ako sa hospital pero 1cm palang.. Tapos same day naglakad lakad kami sa mall ni partner kahit nasakit sakit puson ko push lang.. Kala ko aabot pa pa ko ng weeks bago lumabas si bebi ko.. Pag uwi namin natulog ako ng 6pm.. Keri pa ang sakit.. Mga 8pm mejo natindi..hangang 12mn na masakit paden. Ayoko magpadala sa hospital kasi baka pauwiin nanamn kami.puson lang masakit di sumakit balakang ko and di naman ako naiiyak sa sakit.. Tinakbo paden ako ni partner. Nagpoops pa ko bago umalis kasi mabigat sa bandang pwetan ko..? Ayun pag dating namin dun mga 2am. Sept 26. IE na ko di ko expect 7cm na pala ko.. Wahah inadmit ako ng 2:30am. Naglabor. 8cm ako until 6am.. Keri naman nakikipagchikahan pa ko sa mga alalay at mga OB.dami ko kasi tanong kung maskit ba pag hiniwa etc... Haha..pag nahilab hingang malalim lang..pag nawala chika ulit ako.. Tapis ayun hangang sa naramdaman ko na yung pag sakit napapairi na ko.gusto ko na iiri.. Tinry ng isang OB na pairihin ako.. Ayun nag 9cms ako tapos hangang naging 10cms. Unang iri ko very good daw ako hahaha..pero mga sumunod nawala na ko sa focus kasi nakakapagod umiri wahaha.. Pinush lang din nila ko.. Kaya thankful ako sa OB na tumulong na ipush si baby para makalabas.. Okay kami ni baby. Lumabas nga lang ang almoranas ko kaya nahihirapan ako.pero 2days palang di na masakit tahi ko..and 3 days tuyo na pusod ni baby. ? 1 week na sya today. Sa mga di pa nakakaraos .. Pray lang po.lakasan ang loob.. Kala ko pi CS ako kasi naka sched na ko dahil maliit sipit sipitan ko.pero naging okay namab kasi maganda ang labor ko at bumuka sya ng maganda. Sorry napahaba hahaha God bless momies and babies! River Phoenix Girl 2.6 Normal delivery
suggestions
Hi po..ask ko lang.. Ano po bang murang panglinis ng feeding bottle ni baby? Thanks po
eveprim
Normal po ba na nalabas yung evening primrose ? Nagigising kasi akong may oily sa underwear ko..thank you
texture
Ask ko lang po..ano po bang texture ng water pag nag break na? Sticky po ba or as in tubig talaga or parawang wiwi? Salamat sa sasagot
suggestion please
Any suggestions po para magopen ang cervix and lumaki ang sipitsipitan? Maliit daw sipitsipitan ko.. 37 weeks and 4days. Second IE ko na close paden.. Gusto ko na makaraos..thank you sa sasagot
SSS and contributions
Hi momsh.. Ask ko lang ano po ba yung salary differential? And yung mga sss,philhealth and pagibig ba matik ba ikakaltas paden kahit naka ML? Thanks momies! ?
IE
Hi momsh.. In'IE po ako kanina.. Tapos ngayon nakakaramdam ako ng nasundot/tusok sa pempem ko.. Nagugulat ako pag nasundot.. Normal ba yun? Close cervix pa daw ako.thanks..
Suggestion
Ano ano pong less calories na food? Need ko po kasi ma maintain laki ni baby.. Wag ko na daw palakihin baka daw di ko kayaning ilabas.. And ilang calories kaya ang required a day for preggy? Thanks sa sasagot ?
nginig
Momsh.. Nararamdaman nyo din ba minsan na nanginginig chan nyo or si baby sa loob ng tummy? Parang nagbavibrate sya.. Tapos mawawala din naman.Ano kaya ibig sabihin nun.. Thanks sa sasagot.
manhid
Hi momsh.. Ask ko lang meron po ba ditong nakaramdam din ng pamamanhid ng binti? Nakakalakad naman.pero ramdam ko yung manhid kanina lang to mula pag gising ko ng 5am. Nagpaturok kasi ako ng steroid para sa lungs daw ni baby. Sinabi ko sa ER na namamanhid.. Sabi nya baka daw nangalay lang observe ko daw muna..baka lang po may nakaexperience senyo. Ano po ginawa nyo ..maraming salamat.super worried lang po.34weeks pregy