Amoebiasis
Hello Mommies! Share ko lang ako po yung nagpost about sa amoebiasis. Super worried ako nung nalaman ko yung baby ko may amoebiasis may bahid ng dugo sa poo poo niya and di talaga ako makausap ng matino first time mom po ako sa sobrang praning ko naghalungkat ako dito sa apps na to mga post ng about sa amoebiasis ang dami ko nabasa na nakukuha sa water kapag napapaliguan, thumb sucking na hindi malinis ang kamay, sa water, sa pangtakal ng milk, sa bottles and sa lahat na pwedeng itake ni baby sa mouth niya. Nawindang ako mommies, huhu lahat talaga ng paraan ng pagaalaga at paglilinis ginawa ko as in. Nakakapagod pala.? Pero mas okay ako yung mapagod kesa magkasakit si baby. Pinagpupuyatan ko talaga siya painumin ng antibiotics metronidazole. Dami rin nagsasabi sakin dapat sobrang linis mommy, triple ingat mommy, di na gumagaling yun mommy pinatutulog na lang yung amoeba pero nandun na rin yun. Nakakapanghina ng loob momsh. Pero nilakasan ko para sa baby ko. After 2 weeks, Thank you Lord, negative na yung result niya today. Thank you Lord at naagapan kasi sabi ni doc last na check up namin 0.1 daw yung bacteria/amoeba kay baby pero positive pa din. Thank you Lord! Di bali ako na lang mahirapan basta wag lang albaby ko. Wala lang mga momsgmh shinare ko lang po, incase may mga mommy na nandito sa stage na pinag dadaanan ko, magkakalakas sila ng loob and wag papadala sa nega. Hehe. Thank you po Lord ulit! I love you so much! Di mo pa rin po kami pinababayaan. β£οΈ? #5monthsBabyGirl