Advice

Hi mommies! Seeking for advice here. So here's the situation. Nagdududa husband ko sa baby namin kung anak nya daw ba ito or hindi. Nung nagbuntis ako hanggang sa napanganak ko baby namin lagi nyang tinanong (as in ilang beses araw araw) "Baby ko ba yan? Sigurado ka?" Faithful ako sa kanya. At sya ang nakauna sakin and wala akong ibang nakapartner. The thing is, dati nahuli ko syang may kachat na babae na magkikita sila to have s**. Tapos ung kasalanan nyang yun, pinapasa nya sakin. Na ginantihan ko daw sya ganun. And sobrang pagdududa nya sa baby namin. Yung baby namin, carbon copy nya. Ultimo blood type nya, nakuha ng baby namin. Tapos gusto nyang ipa DNA test si baby. Pumayag naman ako kung yun ang ikakatahimik nya pero nababastusan ako sa kanya. Nasasaktan ako. Sya yung may kasalanan pero pinapasa nya sakin tapos dinamay nya pa si baby. Mommies, please pa advise naman.

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Isampal mo sakanya yung DNA TEST. ultimatum mo na yon sakanya. He has to move mountains para magain ulit love and affection mo after niyo makuha resulta. Better distancr yourself from him and confront him! Isampal mo sa mukha nya na siya na nga tong nagloko siya pa tong paranoid. Kakaloka. Red flag yan, momsh. Anyway, Be strong. God has a plan for the both of you. Maybe it's His way of removing toxic people from your life. Pray โค๐Ÿ™

Magbasa pa