Giving birth

Hi mommies, saan po ba maganda manganak ngayon na lying in or public hospital??? Recommend naman po kayo. Tondo manila po ako. Salamat po. πŸ€—

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

If first baby mo try mo Fabella.As far as I know kung may babayadan man don meds lang ni baby. Ganan din ako nung ilang months plang akong preggy I'm planning to gave birth nalang sa lying in then later on nagdecide kami na dito nalang JP calamba since hospital yun. Sa lying in kase if may prob sa paglalabor mo dalhin ka nila sa private hospital at mas mapapamahal ka pa.

Magbasa pa

Sa panahon ngayon na may pandemic mas okay kung sa lying in, may mga ob naman din sa lying in if gusto mo doktor magpapa-anak sayo. Kung high risk ka, hospital talaga. Pero kasi dimo alam if may cases ba dun sa hospital na mapipili mo. Kaya for me lang ha? Lying in saka matututukan kapa kasi konti lang kayo.

Magbasa pa

Sa 1st baby kasi kadalasan mommy d nag aacept ang mga lying in.. 2nd baby lang pero dipende sa lying may ibang.. Pinag bibigyan ang 1st baby ngaun kasi nga sa pamdemic pero ibabalik nila sa dati pag wala na daw kasi may ibang delikado at maselan ang pag bubuntis

Kung hindi po first baby mas ok sa lying-in dahil sa pandemya. Pero kung first baby po sa hospital po dapat, may mga posible additional charges nga lang po like rapid/pcr test mo at mga PPE po na suot ng magpapa-anak sayo po ang charge.

Hospital sis. Kasi di mo alam mga pwedeng mangyari. Mamaya gusto mong mag normal pero dipala kaya ng lying in. Baka mahirapan kapa. Atleast sa hospital nandon na lahat. 😊

VIP Member

Kahit saan naman po. Basta kaya ng budget niyo. Kasi kahit lying-in man po kayo or sa hospital. Iisa din naman po ang gagawin niyo.. Yun ay ang umire..

Magbasa pa

Kapag 1st baby hospital po dahil katulad ko 1st baby po pinagbubuntis ko nagtanung tanung na ako sa mag lying in ndi na daw po tumatanggap ng 1st baby

mas better if hospital kasi dun kompleto na in case nagka emergency pero syempre dahil may pandemic maganda din sa lying in kasi mas konte tao dun

Public hospital po kakapanganak ko lng nung 21 wala kaming binayaran na swab rin ako pagkatapos manganak na cover lahat ng philhealth ko.

4y ago

Saang hospital po kayo?

Kahit SA lying in kana Kasi mahirap na SA mga ospital.. Jan SA tondo marami Jan a.. Isa na metro doctors lakandula lying in.