Problem With MIL

Hello mommies, pwedeng pahingi ng advice? Mabait naman yung MIL ko. Kaso ang problema ko lang, masyado silang mapamahiin like gusto nila magbigkis si LO pagkauwi namin sa ospital. Tsaka medyo naiinis ako kasi gusto ko sanang EBF si LO kaso mas gusto ng MIL ko na formula. Pano po ba yung gagawin ko? Currently, nakatira kami ni LO sa MIL ko while yung husband ko nagwowork sa Pangasinan. Pahingi naman po ng advices. Thank you po.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, makisama ka by all means but when it comes to your kid, you get to decide. Doesn't matter who you're living with. When you know what's right for your baby, do it. And if she's smart enough, she will let you be and respect your decisions. Otherwise, leave and cleave. PS: Bigkis isn't recommended by doctors nowadays dahil tumatagal ang paghilum ng sugat ng baby sa pusod. Also, BREAST is BEST. If you can, BREASTFEED. The benefits are endless for both you & your baby. ❀️ Best of luck po.

Magbasa pa

Ipaliwanag mo Po bkit Hindi Pwede bigkis. Bkit mas ok Ang breastfeeding.. nakaka relate ako sayo. Lagi Kasi sinusubo ni baby kamay Niya ngayon, gusto ni MIL tinatanggl, e sakin Kasi normal Yun sa bata. Ang need mo gawin linisin mo kamay, Hindi pigilan ska make sure n malinis paligid. Sinasabhan ko siya n normal sa baby Yun .. then pag pinipilit Niya kanya Hindi n ko nag sasalita. Basta sinabi ko n, Yun Ang masusunod. Pero mas maganda humiwalay Po Kayo Ng partner mo para Wala k prob.

Magbasa pa
5y ago

Hehe nasa saiyo n un sis. πŸ™‚ Pero ipush mo Po Sana breastfeeding. Makakatipid n Kayo malakas p baby niyo.

Same here sinisita ni MIL dahil sa mga pamahiin. Natuwa ako laruin yung itim na aso, wag daw keso magiging maitim daw magiging anak ko o kaya mgkakabalat daw na balahibo. Tapos bawal daw uminom ng malamig na tubig. Pag nanganak daw ako dapat isang buwan na walang ligo. Tapos sabihan ako sana baby boy daw kasi ang babae daw pambayad utang. Ang tanging sagot ko lang sana basta healthy and safe si baby. Mahirap kumontra sa mga paniniwala nila pero stand on your beliefs na lang.

Magbasa pa

Hala pati ba naman pagpapasususo mo sa anak mo ayaw nila? OMGY! alam mo nung 7months anak ko aba sinabihan ko I-FORMULA ANAK KO. sabi ko wala nv mas magmdang gatas sa anak ko kung yung gatas ng ina at hindi basta basta ang pag switch ng bf babies sa biglang formula akala lang nila ganon kadali nakak taas ng prisyon! Huwag mong pipigilan yung gusto mo hayaan mong sayo mag BF si lo. Huwag mo siya sundin kala mo ang galinh galing e. Nakak highblood naman.

Magbasa pa

Same here sis. Oky ang MIL ko pero sa mga pamahiin nila juskooo. My mga araw na di pwdeng paliguan si baby, minsan paliguan daw ng dahon ng calamansi, bawal akong uminom ng malamig kasi nagdede sakin si baby 🀦🀦 im a Registered nurse at the same time registered midwife din. Para akong tanga pagka sinasabihan nila ako pagdating sa bawal at pamahiin nila 😭😭😭

Magbasa pa
5y ago

Khit nung buntis ako bawal bumukaka kasi mahahanhinginan daw si baby, etong nanganak na ko bawal maligo gawa daw ng mabibinat ako πŸ˜… tpos ung pagsinok ni baby lagyan daw ng papel or sinulid na nilawayan sa noo 🀦 pati pagligo kay baby na dapat ako gumgawa kasi gawain ko nmn nung nagduduty ako sa hosp nung nagttrabaho ako. Sila gumagawa ,dhil daw baka mabitawan ko 🀦 oo nlng ako bilang respeto sa MIL ko. Pero sa totoo lng patago kong di gngawa mga pinapagawa nila πŸ˜…

Maganda kung makisama ka pero kung about sa anak mo na dapat less na pangingialam ng MIL mo don. Lalo na about sa bf thing mas okay nga yon e kesa sa formula. Mas masustansiya yon at mas tipid pa. Minsan kausapin mo asawa mo para malaman din niya yong gusto mo. Mahirap naman kasi masamain ng mama niya pag dumirekta ka sa kanya.

Magbasa pa

Hirap naman niyan mamsh. Mas ok talaga di kyo mgkasama sa isang bahay e. Kasi may tendency na maging ganyan. Paliwanag mo nalang ng maayos sa MIL mo ng maayos. Sabihin mo salamat sa advice niya. Pero sabihin mo nalang,sabi ni doc mo yun. Strict advice sayo ni doc mo yun. Kaya sinusunod mo talaga.

5y ago

Sabihin mo nalang na un din kasi ang turo sa family side nyo.sinusunod mo lang din.tapos palambing mo nalang sabihin.para di masamain.pag matanda kasi,maramdamin din e.

VIP Member

Since you are living with your MIL, need mo makisama. But If sa tingin mo makakasama kay baby yung mga pamahiin nya, don’t do it but tell her politely why. Push with EBF, pero if kaya mo i-direct latch na lang para less hassle sayo. Very healthy ang breastmilk

'Yan ang mahirap 'pag kasama ang MIL. Ikaw lang dapat ang reyna pero dahil sa MIL mo kayo nakatira, dalawa kayong reyna. Sana na gets mo pino-point out ko. For me, walang pamahiin na dapat paniwalaan. Sa EBF naman, push mo lang! Healthy 'yan.

Mahirap suwayin ang mga MIL lalo na kung nasa poder ka nila. First time mom po ba kayo? Ask your doctor or friends na may anak na para meron din po may background kayo. Usually kasi sa pamahiin, hindi totoo pero hindi naman masamang sumunod. 😁

5y ago

FTM po ako. Yun nga, meron namang pamahiin na hindi masamang sundin. Pero kung kay LO, dun lang siguro ako alarmed