ASKING PRAYER FOR MY BABY ETHAN WHO IS NOW NICU

Mommies, please pray for my baby, nasa NICU pa rin sya ngayon 5 days na simula nung nailabas ko sya via Emergency CS. November 11, 5am pumutok panubigan as in buhos tuloy tuloy ang dami, di pa dpat ilalabas si baby kasi 34weeks6days pa lang sya. Tumwag ako sa midwife ko na yun nga pumutok panubigan ko, sabi nya sa Hospital n ako manganhanak kasi dipa full term si baby at kailangan din ng incubator kaso y8ng affiliated nilang Hospital is wala ding incubator. Nagdecide ako pumunta dumiretso sa Labor Hospital, pero sa information pa lang sinabihan na ako na wala nga daw sila incubator kung ok lang daw ba magtake ng risk khit walang incubator, nagdesisyon akong mghanap ng iba, pumuntang East Ave. Medical, Fabella, QC General Hospital, Jose Reyes, PGH, Chinese Gen. Hosp. inikot namin lahat ng Hospital n yan, pero lahat sila wala incubator kaya halos ayaw din ako tanggapin. Hanggang makarating kami sa St. Jude Hospital sa Manila, 7:30pm na gabi na nakiusap na kami ba sana maadmit ako tinanggap ako, pero kinabukasan pa dumating OB ko kasi, 2:30pm Nov. 12 pinag ultra sound ako, 3pm nang makita ng Dr. ung result nag decide na Emergency CS na ako, kasi wala na panubigan delikado na kay baby, naiyak n lang ako kasi di ako ready natakot ako. 5pm sched ko CS. Nagmanhid nako hanggang nakatulog paggising ko 7:30pm na. Nalaman ko na lang nasa NICU daw baby ko, pagkalabas daw ni baby unresponsive 30minutes na wala pa rin response, pero mabait pa rin ang Dyos di pa tumigil ang mga Doctor na e revive si baby hanggabg nagrespond sya. Ngayon nasa NICU sya nakatubo 5days na. Discharged na ako sa Hospital pero naiwan si baby. Ang laki na ng bill namin ngayon sa Hospital sakin umabot ng 89K kay baby nman 99K na as of ngayon Nov. 15. Di ko alam san kmi kukuha ng pambayad. Pero ang importante sana gumaling na baby ko. . . yun lang hiling ko. Please mommies need your prayers for my baby's complete recovery 5 days old na sya ngayon. Sana malagpasan ko na to at ni baby. . .

288 Replies

Galing kmi chinese gen . Kakalabas ng ng baby ko from nsu . Premature siya . 35 weeks and 6 days siya nung pinanganak ko. Kompleto po aila sa gamit . Private .

Nakakalungkot yung mga ganitong cases na kelangan malagay sa alanganin ang health dahil sa kulang na facilities. Sana maging ok na si baby mo. Will pray for your baby po

VIP Member

Prayers for your baby mommy. Sana makarecover siya. Grabe ang pinagdaanan niyong palipat lipat ng hospital at ang laki ng bill niyo. Magpa go fund kayo and lapit sa pcso.

Ok po. Salamat po.

Pagaling ka mommy... At saka need mo din ng rest. Magpalakas ka. May awa si God.. Pray lang tayo for fast recovery nyong mag-ina.. God bless sa inyo ni baby..

Praying for your precious baby's safety and fast recovery as a preemie. And praying for financial provision. Be strong and stay mommy. Keep the faith. ❤️

Malalampasan nyo po yan momshie. I declare healing for your baby in Jesus name! Sending virtual hugs. Be strong. Lumalaban si baby mo, kaya dapat lumaban ka.

Mommy kayang kaya po yan ni baby laban lang mommy paramdam nyo po ang love sa kanya kakayanin po nya lahat di po kayo papabayaan ni Lord🙏🙏🙏

Healing and prayers to ur baby mommy....everything will be heard by Lord..just stay strong for urself and most especially for baby.....God bless po

Sis kumusta nmn si baby ngayon?Anu ung status nya..pray lang sissy..pg iibgay satin marming paraan yan..kng pra satin ibbgay nya..Twala lang...

Ganyan din nangyari kay baby ko..Pero cya almost 2days lang nag survive...Dun ako naloka nung na revived cya kawawa tlga...Pray lang sis...Kasi khit anu mangyri kng pra sau..para sau tlga cya..Un sakin tanggap ko n na hndi cya pra samin...Tsaka pra ndn ndi cya mahrapan kng nag survive cya kaya c Lord lng tlha ang me alam ng lahat...

Sending Love and prayers to you and to your Little Angel. 👼❤️🙏 Stay Strong! Kaya yan. Maniwala ka lang. 👆🙇‍♀️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles