ASKING PRAYER FOR MY BABY ETHAN WHO IS NOW NICU

Mommies, please pray for my baby, nasa NICU pa rin sya ngayon 5 days na simula nung nailabas ko sya via Emergency CS. November 11, 5am pumutok panubigan as in buhos tuloy tuloy ang dami, di pa dpat ilalabas si baby kasi 34weeks6days pa lang sya. Tumwag ako sa midwife ko na yun nga pumutok panubigan ko, sabi nya sa Hospital n ako manganhanak kasi dipa full term si baby at kailangan din ng incubator kaso y8ng affiliated nilang Hospital is wala ding incubator. Nagdecide ako pumunta dumiretso sa Labor Hospital, pero sa information pa lang sinabihan na ako na wala nga daw sila incubator kung ok lang daw ba magtake ng risk khit walang incubator, nagdesisyon akong mghanap ng iba, pumuntang East Ave. Medical, Fabella, QC General Hospital, Jose Reyes, PGH, Chinese Gen. Hosp. inikot namin lahat ng Hospital n yan, pero lahat sila wala incubator kaya halos ayaw din ako tanggapin. Hanggang makarating kami sa St. Jude Hospital sa Manila, 7:30pm na gabi na nakiusap na kami ba sana maadmit ako tinanggap ako, pero kinabukasan pa dumating OB ko kasi, 2:30pm Nov. 12 pinag ultra sound ako, 3pm nang makita ng Dr. ung result nag decide na Emergency CS na ako, kasi wala na panubigan delikado na kay baby, naiyak n lang ako kasi di ako ready natakot ako. 5pm sched ko CS. Nagmanhid nako hanggang nakatulog paggising ko 7:30pm na. Nalaman ko na lang nasa NICU daw baby ko, pagkalabas daw ni baby unresponsive 30minutes na wala pa rin response, pero mabait pa rin ang Dyos di pa tumigil ang mga Doctor na e revive si baby hanggabg nagrespond sya. Ngayon nasa NICU sya nakatubo 5days na. Discharged na ako sa Hospital pero naiwan si baby. Ang laki na ng bill namin ngayon sa Hospital sakin umabot ng 89K kay baby nman 99K na as of ngayon Nov. 15. Di ko alam san kmi kukuha ng pambayad. Pero ang importante sana gumaling na baby ko. . . yun lang hiling ko. Please mommies need your prayers for my baby's complete recovery 5 days old na sya ngayon. Sana malagpasan ko na to at ni baby. . .

288 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'll pray po for the complete recovery of your baby pati na din sa financial problem nyo po. God bless you po. Pray lang po tayo ng pray. Wag po tayo magsawang humingi po ng tulong kay God. Share ko na rin po experience ko po, preemie din po baby ko. Nailabas ko po siya at 32 weeks. At 29 weeks pa lang po, lumabas na po amniotic fluid ko po, naospital po ako. Advice po sa akin ng OB (pinauwi nya po kasi ako after 3days kasi nagstop nmn po ang paglabas ng amniotic fluid tsaka close pa cervix) is bedrest until 34 weeks kasi daw pag34 weeks mas malaki daw po chance makasurvive si baby, mas mature n po daw kasi ang lungs. Pero parang di na po kasi makapaghintay baby ko na lumabas, at 32 weeks nailabas ko po xa normal delivery po. Nagstay po sya ng mga 3 weeks s NICU and mga 1 week po sa private room. Ngayon po 2 months na po xa, lahat po ng pinatest ng pedia sa kanya maganda po result at nasa bahay na po xa ngayon. Huwag na huwag po tayo mawalan ng pagasa mommy. Kung si baby po sa loob ng NICU ay lumalaban, fight2x din po tayo mommy. Aja!

Magbasa pa

Get well po kay baby....sa east ave din ako nanganak nung may lang ganyan sabe sakin walang incubator daw may infection daw kumakalat sa nicu...35weeks ako nung ma ecs nag take risk kame kase sabe in case lang naman kailangan...awa ng Ama hndi na sya na incubator pero naka isolate sya nasa loob padin ng nicu...ang kinagagalit lang namen bakit kailangan nila manakot...wala naman infection doon eh inisip namen kase nasa charity ward kame kaya baka ayaw pagamit samen yung incubator kumbaga naka reserve para sa mga private...nakakalungkot lang...and bawal ka tanggihan ng mga hosp kahit wala sila incubator pwede ka padin nila paanakin...kase ganyan kame sa east ave binigyan kame option na paaanakin ako tapos pag hndi namen pinirmahan yung waiver na ininicu sya si baby ililipat nila hosp na may incubator....matagal din kame nag tatalo mag anak until naka decide nga kame na irisk sya sa nicu

Magbasa pa
5y ago

Oo sinabe na may incubator sila yun lang kase may infection kuno...mukhang wala naman kase dame dame babies doon sana inilipat na ng parents yung nga babies nila kung may infection nga talga....ok naman na si baby ko 6 months na sya ngaun...normal naman lahat hanggang pag uwe namen hanggang ngaun hndi pa sya na dodoktor ulit mula pinanganak sya

Hi mommy :) same case yan ng baby ko 10 yrs ago..mahirap tlga yung nasa ganyan sitwasyon ka...yung ikaw na discharge na pero baby mo nasa hospital pa at halos 50-50..yung baby ko date nirevive pa yun ng 2x and after nun kinausap n kami ng dr n mag ready n kasi anytime pwede daw sya mawala...masakit sobrang sakit ng nadinig ko yun at natakot ako..ang ginwa ng asawa ko niyakap nya ako at ngdasal kami sabi nya pag pra sa amin si baby at ipagkakaloob tlg ni Lord mabubuhay sya...yun ung pinanghawakan ko..and THANK GOD eto 10yrs old n panganay ko na napaka daldal..medjo delay ung walking nya dahil may effect sa kanya mga gamot at ung machine daw nung na incubator sya..but still laking pasasalamat namin at bingay sya samin ni Lord..kaya pray lang..si Lord nakakaalam ng lahat :) Godbless mommy and sa Baby mo..claim mo n gagaling na sya in Jesus name :)...

Magbasa pa

Hello momshie, wag ka mawalan ng pag-asa, may awa ang Diyos....si baby ko po 31 weeks nung lumabas noong march 2018. 1kg lang cia and may pneumonia nung lumabas. Nainormal ko naman at 4600 lang cash na binayaran ko sa panganganak then nag 1 month cia sa nicu dito sa ilocos norte, maayos ang facilities. Sa 30 days niya sa nicu, 96,000 bill namin pero humingi kami ng tulong sa social services ng hospital. Tinuruan kami na maglakad ng solicitation sa mga offices like ung kay trillanes at legarda, may binigay din na cash ang dswd ng provincial, tyinagaan ng asawa ko lakarin lahat un kahit grabeh ang polio nya...s pcso pa sana kaya lang kulang na sa time....nung discharge namin 10,000 nalang binayaran namin. Nag ambag-ambag din kamag anak namin kaya nagpapasalamat kami talaga sa Diyos....ngaun 1 year and 7 months na c baby....

Magbasa pa
VIP Member

Yan po ang hirap pag lying in mamsh :((. Sana maiuwi mo na si baby :(. Ilang oras si baby sa tyan mo ng wala ng tubig. Umabot pa ng kinabukasan. Buti at narevive sya. Buti nalang ako naagapan kase di ko alam na pumutok na pala panubigan ko, eh buti nalang may check up ako kaya nalaman na pumutok na pala panubigan ko at pinadiretso na kami sa OR kase baka di makahinga si baby dahil wala ng tubig. Cs din ako mamsh at 5 hrs ata akong nag antay kase yung ob ko may tinatapos pang mga pasyente kaya nag aantay lang ako at gusto ko na din ilabas si baby dahil wala na ngang tubig. Buti nalang okay ang baby ko at nagulat din ob ko kase cord coil na sya pero buti cs ako. Pray lang mamsh di naman tayo papabayaan ni Lord. Maiuuwi mo din si baby mo 💖.

Magbasa pa

I had a same scenario na tinanggihan ako ng hospital na pinagchecheck-upan ko which is sa Caloocan. Nirefer nila ako sa TondoMed kasi meron daw doon incubator dahil sa 36 weeks lang daw ang baby ko at pumutok na ang panubigan ko, ayaw magrisk ng hospital sa Caloocan kaya referral nalang ang ginawa. Thank God kasi kahit na 1.9 kls lang ang anak ko hindi na nila inicubator at inobserve lang siya for 3 days pero dahil healthy at walang nakitang problem kay baby pinauwi na din kami at wala kami binayaran ni piso sa bill naming dalawa. Thank God talaga. Right now medyo naninilaw lang si baby but continue lang sa pagpapaaraw and pagbrebreastfeed. 10 days old na po ang anak ko. Praying for your baby ethan momsh! stay strong lang. Fighting!

Magbasa pa

Sana gumaling na baby mo sis. Ako din sis nanganak 35 weeks and 5 days that time pero nung nilabas ko baby ko umiyak sya agad kaso ang bilis daw ng pag pag hinga nya so ayun may pneumonia sya sa fabella ako nanganak sis and di din nag ano sila ng incubator sakin pero thank full ako kasi sobrang tapang ng anak ko kahit ilaw lang inano sa kanya pero di pa din alam kong anung anu ng pneumonia nya kasi di p atapos gamutan nya nilabas kona sya kasi hawa hawa sakit ng baby duon . Gagaling din baby mo momsh dasal kalang lagi god bless po.

Magbasa pa
5y ago

Puro ano. Nakakaano ✌

Kayang kaya ng mga baby natin mommy i also gave birth to my son last oct 31 2019 via emergency cs din po manalig lang tau he is ok right now 3 weeks na kami ngaun dto pero di xa na incubate 7 mos lang din to 2.2kg xa nung lumabas kaya daw di na inincubate kaya natin momshie lagi mong tawagin c god mag pa music ka lagi ng hill song ang baby ko inubo pa nga at sinipon nag violet kc di nakahinga lagi akong nagdadasal ngaun wala na xang ubo at sipon di na rin xa maxado talagang nandidilaw

Magbasa pa

I dont think walang incubator yung mga hospitals na nabanggit kasi some of them are private hospitals at birthing hospitals pa. Its just that, some hospitals don't accept cases na hindi nila nahawakan o hindi ka naman sa kanila nagpa check up tapos dun ka manganganak. Nakakalungkot. Sana case to case basis na lang. At sana, yung mga partner hospitals ng mga lying in clinics, siguraduhin nilang fully equiped hospitals. Get well sa baby mo momsh at sayo na din. God bless.

Magbasa pa
5y ago

That's quite impossible for a private birthing hospital to have only 1 or 2 incubators available. Dahil may law na bawal tumanggi ang hospitals sa pasyente lalo na pag emergency cases, mas madaling i-justify na kulang na lang ang equipment kaya di nila tayo pwede i-accommodate. No point in pointing fingers, I know. Pero yung case niyo pwedeng naagapan kung sa unang ospital na pinuntahan niyo na asikaso na kayo agad. Gastos is secondary, but the primary concern eh si LO. Sana lumakas and gumaling na siya agad.😔

Pray lang sis.. same lang tayo 15days baby ko sa nicu kse 32 weeks lang din sya.. naikot din namin halos lahat ng ospital puro sinasabi wlang incubator.. sa tondo general kame naadmit pumirma kame ng waiver na papayag kami maadmit pero wlang incubator.. pero meron naman pala sila incubator sinasbi lang na wla .. pero ngayon ok na si baby ko.. pray lang lage sis magiging ok din ang lahat.. nov. 8 nakauwi na kme sa bahay.. Thanks GOD.. pray lang sis

Magbasa pa