Alam mo momsh, i feel you. Kasi need ko din talaga magresign sa work the moment we knew na pregnant ako kaso super selan. Di naman bugnutin si hubby pero ramdam na ramdam ko yung hirap at bigat kasi may panganay pa kami, grade 1 so may mga gastusin talaga aside sa rent sa bahay, electric and water bills tapos food pa. Iba pa yung mga gastusin sa pagbubuntis ko like vitamins and check up tsaka ultrasound. Kaya pag alis nya minsan ng bahay namin, naiiyak ako di ko mapigilan maawa sa asawa ko. Pero alam ko ayaw ng asawa ko na umiyak ako kasi mag aalala siya sa akin at sa baby namin. So ang ginagawa ko, ichachat ko siya. Magpapasalamat ako ng bongga sa kanya at sinasabi ko gaano ko siya naaappreciate. Tapos sabi ko kapit lang ng konti, kasi pag ako nakapanganak at nakarecover super tutulungan ko talaga siya. Alam mo momsh super nakakatulong yung ganong treatment and message. Subukan mo lang siya iassure na everything will be ok. Na naaappreciate mo siya sa lahat ng ginagawa nya. Pag kaya mo ipagluto mo siya, lambing ba mga ganong bagay. Subukan mo lang momsh para mapagaan yung loob at sitwasyon nya 🤗