naglalabas lang po ng sama ng loob.. pagbigyan nyo na please..
Hi mommies.. please bear with me maglalabas lang po ng sama ng loob.. both my husband and i have stable jobs.. ung kinikita namin is enough to sustain our needs kahit napasok pa sa private school ung aming isang anak.. but after finding out na im pregnant with our second child kinailangan ko agad magleave sa work since napakaselan ng pregnancy ko.. since then sya na ang taya sa lahat ng gastos sa bahay.. may naipon naman ako pero kalaunan ay naubos din kasi gusto ko pa din makatulong sa mga gastusin sa bahay.. simula ng nag7 months na ang tiyan ko ay napansin ko na naging bugnutin si hubby pag kailangan ng isettle ung mga gastusin sa bahay.. sumabay pa na nagsunod-sunod ang mga naging ultrasound,labtest at mga mahal na gamot na kailangan inumin ko para ma-ensure na okay si baby sa loob ng tiyan ko.. ngayon ay malapit na ko manganak.. naaawa ako sa kanya dahil sa alam kong may problema na kami sa pera at nagu-guilty ako kasi wala akong magawa para makatulong.. gusto kong mangutang pero naisip ko na baka lalo lang magkaproblema.. ???