Parents

Hi mommies, pano niyo sinabi sa parents niyo na preggy kayo? I’m 22 y/o, 15 weeks pregnant and 2 years na nagwowork pero super kinakabahan ako pano sabihin lalo na sa mom ko. I’m also an only child, supportive naman daddy ni baby kaso hindi ko siya makakasama pag sabi sa mom ko due to the lockdown. Medyo mataas expectations ng parents ko sakin, nakakatakot na madisappoint sila sakin kahit na alam ko na yun na yung mangyayari. :(

35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I'm 22 y/o 7weeks pregnant ako yung sinabi ko sa parents ko and medyo kabado kasi balak ko mag aral ulet saan .. Ngayon 37weeks na si baby ung una naghihinala pala siya kasi hindi pa ko nireregla mgkasabay kasi kami tapos sabi ko ireg. Na yata ako ma kasi hindi ako ng karoon ng aug. Tapos ng karoon ako ng september tapos hindi naman ng oct to nov May kapatid at pinsan kasi ako may pcos so kala ka dun lang kaya hindi ako nireregla .. Oct 15 ng pt ako tinago ko talaga pati yung balat yung pt nov sabi mgpapacheckup na ko kasi baka pcos nga .. Pagtapos ko ng pacheckup pinabasa ko na lang yung result hindi na ko ng salita ... Siya nadin ng sabi sa papa at kuya wala na daw siyang magagawa at najan na daw mas maganda sbhin mo na sis para maalagaan ka din niya, si mama todo alaga sakin kasi maselang pag bubuntis ko .. Matatanggap din yan ng mother mo sis

Magbasa pa

25 na ko nung nabuntis ako working nadin. Hiwalay na kami nung tatay at may iba na sya nung nalaman kong buntis ako. Una kong sinabi sa kanya at susuportahan nya naman daw kami ni baby. Pero since wala na kaming relasyon ako lang nagsabi sa parents kong buntis ako. Sobrang kaba ko non pero pinilit kong sabihin kahit alam kong magagalit sila kasi nga unusual yung situation. At kilala nila yung tatay ng baby ko tapos ang alam nila hiwalay na kami. Naggalit sila at first at kinausap nila sa personal yung tatay ng anak ko. Pinanindigan kami nung ex ko hiniwalayan nya yung bago nya and nagsasama na kami ngayon. So far yung sinusuportahan naman kami ng parents ko. Ang gusto lang naman nila lagi ay mapabuti tayo. Talk to them. Wala namang ibang raramay sayo kundi sila

Magbasa pa

I'm 25. I'm in the week of finishing my masters degree, napapansin ng mom ko na I might be pregnant. Knowing them they have been strict to me and lalo na now, since I just finished with my masters. Sila mismo pa bumili ng PT ko since lockdown. Ung mga panahon na un I didn't know what to feel or what to tell them. Once nag positive. I told them right away. My dad didn't talk to me for a week, after nun kinausap niya ako and he asked me to lay down my plans. Na dissapoint sila yes, but nandyan na yan and it's a blessing from God. Remember, he will not give us anything we can't handle. Just pray and always have faith ❤ You can do it, don't let this affect your pregnancy journey, be happy!

Magbasa pa

I'm also 22 yrs old po at 34 weeks and 2 days na po ang baby ko, at first di ko po talaga masabi sa parents ko kasi ako po ang breadwinner sa pamilya namin, and what I did is kinausap ko po ang Bf ko at nagdadalawang isip din po ako nun until one day sinabi po ng bf ko na bubuhayin namin kahit na anong mangyari, tsaka 3 months after sinabi na po namin at humingi ng tawad sa mga parents niya. Den sumunod naman po mga parents ko. They can't accept na ganto ang kinahihinatnan ko kasi sa June na po flight ko papuntang America po kaso pagpaplanohan po namin ulit kong pano po kasi mag te training nadin po Bf ko .

Magbasa pa

I'm 20 y/o, 35 weeks and 1 day preggy. 🤗 At first nagtataka mom ko bakit hindi pako nireregla kaso sabay lang kami pero 'di ko siya pinapansin. Hahahahahaha. Tapos eto pa yung tatay ng baby ko may anak sa una. Nakaka dalawang PT nako positive parehas hindi ko pa din sinasabi. Hanggang sa mom ko na bumili ng PT edi ayun nalaman na niya. 😅 At first galit syempre pero unti unti natatanggap na. Ngayon aliw na aliw siya mag oorder ng mga essentials ng apo niyq hinahayaan ko na lang. 😁 Spoiled ako eversince pero mukhang may aagaw na ng trono ko. 😂 Sabihin mo na mamsh, the sooner the better. 😊

Magbasa pa

Hi mommies!! After kong ipost ito, I told my mom already. Sobrang panginginig at kaba ko nun pero nag pray din muna ako and kinausap ko si baby. Then sinabi ko na sa mom ko, pinakita ko yung ultrasound then tinanong niya if ako daw ba yun. Tumango lang ako then hinug na niya ako. Naiyak na lang ako kasi hindi ko inexpect. Pero one thing’s for sure, ibang klase yung mother’s love, very powerful. 100% support parin siya sakin. 💖

Magbasa pa
VIP Member

been married for 8 yrs already. pero kinakabahan pa din ako everytime nabubuntis ako..hahaha..this is 4th pregnancy kasi..before ko nalaman kambal pinagbubuntis ko, hubby and i planned na wag ng mag announce..later na lang pag nahalata na nila..haha..kaya lang nung nalaman naming kambal, i cant contain my happiness, so i announced it agad pagka uwi ko sa bahay..i just told them, buntis na naman ako..pero kambal..😁😁 gladly, everyone was happy..

Magbasa pa
5y ago

sa start lang sila magagalit or disappoint..pero once nandyan na si baby..makakalimutan din nila yan..i was 19 and was 3rd yr college ng nabuntis sa eldest namin..nagpang abot pa luha at sipon ko nun..pero after that..naging ok na din naman..matatanggap din nila yan..if magalit man, magsorry ka lang..

VIP Member

19y/o, 11 weeks and 5 days pregnant sobrang strict ng parents ko as in pati buong angkan namin, pero wala ng paligoy ligoy pag ka pt ko pinicturan ko sabay send sa GC namin buong angkan ayon akala ko magagalit pero hindi pala, ang sabi nila "andyan na yan hindi naman namin pwede pigilan yan kasalanan sa panginoon yun" mataas din expectation sakin ng fam ko, lalo na ng Daddy ko pero eto ni isang masakit na salita wala akong narinig mula sakanila.

Magbasa pa
VIP Member

Im 26 and currently 8 weeks pregnant. Hindi padin alam ng parents ko since gusto ko personal ko sabihin pero dahil may lockdown pa. Lumalaki si baby na hindi nila alam. Haha. Ineexpect ko na magagalit sila pero knowing them, mas aalagaan nila ako for sure! :) Sa side naman ng boyfriend ko, sa father palang nya kami official na nagsasabi. I let him do the thing na sabihin sa Mama nya. Kaya mo yan Sis! Blessing yan si Baby! :)

Magbasa pa

im 22 years old and 24 weeks pregnant .Nanay ko din ee ako lang inaasahan nia kasi wala na kming tatay kaya bilang panganay ako tumutulong sa kanya. tapos sabi nia noon wag na wag daw muna akong papabuntis magagalit daw sya. pero nung nalama kong buntis ako tinawagan ko sya agad tapos sinabi ko pero ayon di nman sya nagalit wala nman daw syang magagawa kasi nandito na kaya sis sabihin mo na for sure maiintindihan ka ng magulang mo

Magbasa pa