Picky Eater

Hi mommies. Pahingi naman po ako help sa inyo. Meron po akong 10 months old na baby na walang kagana ganang kumain. Lahat po ng pinapakain namin sa kanya ay niluluwa po nya. Nginunguya po nya at parang nilalasahan tapos iluluwa. Nagstart po kami ng traditional feeding nung 6 months sya. Sinubukan po namin ang gerber at cerelac pro wala po syang gana pro masarap po ang kain nya ng marie na biscuit kaya tinigil po namin ang cerelac. Sinubukan po namin ang BLW sinasabay sya namin sa pagkain habang nasa walker sya - saging, nilagang kamote, kalabasa, patatas at minsan sinusubuan ng lugaw. Minsan po napapakain namin hanggang tatlong subo lang po kasi pag pangatlong subo na tinitikom nya na ang bibig nya at umiiling iling pa. Pag pinilit namin magduduwal sya hanggang sa masuka sya. Ano po kaya ang gagawin ko? First time mommy po ako. Paano nyo po napakain ang mga babies nyo na picky eater? Ano po vitamins nila na pampagana? Maraming salamat po

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sinusubuan niyo parin po ba sya? Try niyo momsh na bigyan sya ng sarili nyang utensils para sya magsubo. And yung food naman is kung anong food ninyo yun na din ang food nya. As for the vitamins, mas okay na mag seek ng recommendations sa Pedia ninyo oara maibigay yubg appropriate na vitamins.😊

Related Articles