Fever or Not?

Hi mommies! Pa help naman po. Pangatlong araw na kasi na medyo mainit yung baby ko pero pag chineheck ko naman yung temp nya 36. something lang. Kanina before ko sya paliguan ok ang temp nya, malamig. Tapos after ko po sya paliguan natulog po sya ngayon medyo mainit na naman. Chineck ko po ulit temp 36.6 naman. Bakit po kaya mainit sya kung wala naman pong lagnat? Bago lang po itong thermometer namin kaya for sure accurate naman po ito. Nung Jan 5 po nag lagnat din sya. Tapos last Jan 19 naglagnat din po. Pinacheck up ko sya nag antibiotic po sya. Ngayon po gusto ko ulit ipacheck up pero sabi ni Mr wag na daw kasi nga po hindi naman lagnat. Huhu :( nag aalala po kasi ako, ayoko na po maulit yung kinumbulsyon sya last year.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung ulo lang po nya mainit hanggang pisngi po. Tinutubuan po sya ng ngipin sa bagang. Pero diba hindi naman daw po talagang nakakalagnat ang pagngingipin ng bata according to pediatricians.

Related Articles