no embryo at 6 wks

mommies, need your advice esp sa nakaranas na rin ng ganito. first day of lmp ko ay apr 28 so 6 wks pregnant na dapat ako. first check up and ultrasound ko ngayon pero wala pang baby :( may gestasional sac and yolk sac pero wala pang embryo. kung 5wks normal daw ito pero sa last mens ko 6 weeks na dapat ako. repeat transv ako after 2 weeks. nagwoworry ako nakunan kasi ako 3 yrs ago at ngaun lng ako nabuntis uli at gustong gusto ko na magkababy :( meron naba nakaranas sainyo ng ganito and turned out na normal and healthy naman si baby? na baka nalate lng sya ng pakita sa ultrasound? parang ang tagal tuloy ng 2 weeks na paghhintay ko ayaw ko mastress pero di ko maiwasan magworry :(

no embryo at 6 wks
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako dn pero pray lang tau baka ayaw pa magpakita si baby wag ma stress positive lng ☺️

Post reply image

iwas stress sana may na reseta na sa'yo na vitamins for baby. Regular ba period mo o hindi?

Advice ng OB ko before, mag transvi on my 7th week. Para sure daw na kita na

Normal lang po yun. Ganyan din ako nung 7 weeks pregy, naconfirm nung nag9 weeks

Balik ka mga 8 weeks. Ganyan talaga sa una. Ako nun 5 weeks masyado pa maaga

VIP Member

Ganyan rin ako early pa kase e. After 2-3wks pinabalik ako meron na 🙂

VIP Member

Same case sa hipag ko. Binigyan siya ng doctor ng aspirin at duphaston

VIP Member

Wag ka mastress momsh ❤️ Too early pa po kaya di pa kita. Pray lang momsh

Normal yang findings mo.. wag ka na mastress.

Malalaman mo na heart rate pag 7 to 8 weeks onwards na