Need an advice😢 9 months old na po baby ko
Hello mommies. Need ko lang po advice bakit po kasi naiinis agad ako kay baby lalo na pag iyakin na sya. Tapos pinagsasabihan ko na po sya eh baby pa naman sya. Ewan ko mommy basta ang bilis ko mairita pero after naman noon makokonsensya naman ako. Mag sosorry agad ako kay baby. Yun bang pag may mali syang ginawa napikon ako. Kagaya kanina, may pinaglaruan syang biscuit tapos may nakain syang maliit na plastic at muntik na talagang nyang malunok buti nalang napansin nung bata na namumula na sya at tinawag ako kasi may ginagawa po kasi ako. Kasalanan ko naman talaga yun kasi iniwan ko sya. Pero ayun nagalit ako sa subrang kaba ko tapos umiyak c baby. Guilty pa rin po ako til now mommies. Sana di nyo ako e bash Salamat po.