I need your help mommies

Hi mommies! Nasa situation po ako now na nalilito po ako ano po ba dapat ko gawin? Like, for req and medical na po ako sa work na inapplyan ko. Then yung work po is na sa laguna and ako po dito sa nueva ecija. Sa monday po need ko pumunta sa company. No problem po ako sa travel kasi okay po rewuirements ko for travel. Ang problem ko po kasi maiiwan ko baby ko sa mother ko. My daddy, ate and kuya ayaw nila umalis ako kasi kawawa baby ko maiiwan. Which is ayaw ko rin po iwanan si baby kasi first time namin maghiwalay 1 yr old pa lang siya and contrata don ay 6months. Kaso lang po mommies ang laki na ng bayarin namin sa rental ng aprtment nasa 15k na po, di kaya ng mr. ko bayaran kasi may bahay din kami sa cavite na hinuhulugan niya, so meaning ako po talaga dapat magshoulder ng upa namin dito province kasi choice ko umuwi dito. Huhu mommies what to do po? Nagapply ako dito pero wala po talaga natawag. Yun po ang natawag sakin. Iniisip ko po kasi ang swerte ko kasi yung iba po dami naghahanap ng work. Samantalang ako admin office po position na inapplyan ko. But sa isang side po sobrang nalulungkot ako kasi di ko kaya parang baka mabaliw ako kasi malyo sakin baby ko for 6 months. Huhu mommies what to do po? Please give me a piece of advicenpo. Tia. 🥺#1stimemom #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momy bakit di nalang kayo tumira dun sa hinuhulugan niyong bahay? kasi doble doble kayo ng binabayaran which is for me hindi practical. mas malaki tipid mo kasi eh. kumuha ka nalang ng yaya or magsama ka ng kamag anak mo sa house niyo sa cavite para mag alaga kay LO habang nasa work ka if you cant sacrifice your career para sa baby mo. ako kasi as a mom, ayaw ko mawawalay sa anak ko ng matagal. gusto ko din buo family ko at nakatira sa iisang bubong.

Magbasa pa
5y ago

mommy di pa po kasi tapos ang bahay namin need pa po ipagawa. and usapan po kasi namin ni mr tatapusin niya muna yun ipagawa then uwi kami don.

Much better go ka for your work isipin mo nalang para sa baby mo yung ginagawa mo. sa panahon ngayon hirap mag hanap ng trabaho. kasama mo nga si baby pano naman yung financial and future nya? maging thankful tayo kung meron mag aalaga sa baby natin habang nag wowork. tiis tiis kang mamsh isipin mo nalang para sa future ni baby

Magbasa pa

bakit di na lang kayo sa cavite tumira ni husband and baby since may bahay naman kayo dun and malapit lang ang cavite sa laguna? Pero kung ako piliin mo yung work for now kasi sayang din. Pero kung magagawan ng paraan n pwede mo makasama si baby at husband mo ay gawin mo.

5y ago

bali po kasi mommy di pa po tapos yung bahay. huhu cant decide po kasi yung family ko ayaw nila ako umalis dahil kay baby kawawa daw po kaso lang po buti po sana kung help nila ako sa bayarin ko kaso siyempre hindi po nila gagawin yun sasahihin naganak anak pa ako. 🥺

mabilis nalng yang 6mos. contract..isipin mo nalng na ginagawa mo un pra matustusan ang inyong mga needs abd or mabayaran ang inyong bills..make urself busy when you are working at d end of d day marerealize mo nalng na patapoa na kontrata mo..😊

mahirap kasi makahanap ng work ngayon. kaya tiisin mo muna at the same time mag ingat ka dahil nga sa pandemic. basta makipag vc ka nalang lagi sa kanila para di mo masyado mamiss. 6months lang naman. pilitin mo nalang kayanin. keep safe!

kung wala po kayo mahanap work within your area at gipit na kayo sa budget then accept mo na yung work sa laguna. mahirap na ngayon pag kulang ang budget mabilis lang din naman ang 6 mos at may magalaga naman kay baby mo

Mahirap po talaga malayo sa baby mamsh. Pero kailangan natin magsakripisyo para mas mapanatag loob naten sa bayarin at di mastress. Kapag nakarecover ka na, pwede ka na ulet magstay kay baby.

Mabilis lang yan 6months, isipin mo na lang para sa inyong mag-asawa yan na mabayaran ang utang at para rn kay baby. Mas mahirap magpalaki ng bata kung baon kayo sa utang.

up mommies please gice me advice po

up mommies please give me advice po