7 WEEKS AND 2 DAYS

Hello mommies. Nanghihina po ako sobra. Nangangatog buong katawan ko. Nahihilo. Feeling ko anytime pwede ako himatayin. As in yung panghihina ko, nangangatog talaga ako. Parang bagsak na bagsak katawan ko. Kumakain naman po ako sa tamang oras at minsan pagnakakaramdam po ako ng gutom kumakain naman po ako. Pero ngayon po kasi nangangatog po buong katawan ko especially yung kamay ko. ? Ano dapat gawi n mga momshie? Normal po ba to sa first trimester? Nagkikilos po kasi ako sa bahay, ginagawa ko po yung gawaing bahay. Maselan na po ba pagbubuntis ko pag ganito? Tapos para po akong nasusuka. ?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bed rest mamsh, 10 weeks preggy ako, ganyan din.. kita naman ni hubby kaya kahit galing work sya pa rin nagluluto at naghuhugas ng pinggan, sobrang lala din ng hyperacidity ko ngayon.. hope you seek help sa OB mo and SA mga Tao sa paligid mo hindi naman matagal na ganyan ka..ipahinga mo mamsh mahirap na mahimatay Ka pa Dyan.. better be safe than sorry.

Magbasa pa

Hi sis! Same sakin :( 6 weeks naman ako tas suka ng suka. Sabi ng mom ko po, dapat daw po ipahinga talaga. After first trimester daw usually nawawala na. Sana true hehehe pero recommendation po sakin ng OB ko, smaller meals lang po then kapag nahihilo, take a nap lang daw po. Kaya natin to hehehe

5y ago

Thank you! Goodluck saten sis. ☺️

same po . mga ganyan week po siguro ko nung narramdaman ko na lage ako nahihilo. nanghihina kaya po ng Pt at nag pacheckup na ko 9weeks na po ako nung nalaman kong buntis ako . normal lang po yan sis. ang lage din po sinsabi sakin na normal lang daw maging maselan ng 1st trimester .

Normal lng tlga yn hnd ka tlga mkakilos kilos ng Normal kpag ngbubuntis ka kc dmi mu mraramdaman gnyan din kc ko noon nttakot ako umalis ng bahay at gumala ng mg isa kc bigla nlng pra ako himatayin tlga Sama pkiramdam.

Normal lang yan, after ng 1st trimester okay ka na. Ganyan din ako, nag aadjust pa kasi ang katawan mo. Pero more pn pahinga ka at wag muna maglakad lakad. 7mos na ko ngayon nawala yung ganyang feeling ko.

Yes mamsh. Maselan ka. Same tayo. Ako hindi talaga makagalaw sa sobrang panghihina at hilo. Grabe! Para akong natutunaw na kandila. Kaya nag-stop din ako mag-work at bed rest lang ako.

ganyan din ang pakiramdam ko dati nung buntis ako.. kapag nakatayo ako ng ilang minuto nangngatog na mga tuhod ko parang hindi ko kayang nakatayo ng matagal.. baka normal naman yan..

ganyan din ako nun, kaya naparesign ako sa work ko sa makati and decided na umuwi nalang sa bulacan kasi mas safe nakaboarding house lang ako. stay safe mommy.

Iba iba talaga ang process ng pagbubuntis noh. Ako nung first 2 months ko nilaro ko pa sa Sports fest tapus may inuman pa sa victory party 😪😪

That's very normal. You will feel extremely fatigue po sa first trimester. Don't worry by 13 weeks you'll feel normal again. Hang in there :)