Hi mommies nakaraos na kami ni baby at 37 weeks and 3 days po. π
EDD: April 6,2021
DOB: MAR. 19, 2021
March 19, scheduled OB visit ko, nung in IE ako 6-7cm na daw ako. nagulat ako kasi wala naman akong ibang pain na nararamdaman, sabi ni OB admit na daw ako dahil anytime manganganak na ako
10 AM, admit ako. 6-7cm no pain
12pm, IE 7cm na no pain
2pm, IE ulet 7-8cm na. no pain padin
5pm, 8-9cm na still no pain at mataas ni si baby
6:30 nagdecide si OB na butasin na panubigan ko then salpak pampahilab. After ako butasan ng water bag doon ko na naramdaman yun pain ng labor as in sunod sunod na hilab
6:45 nakiusap akong ipasok na ko sa deliveey room kasi super diko na keri yung pain, kaso mataas pa talaga si baby. so naghintay ulit ako pero sa delivery room na hanggang dumating si husband pinapasok nila para kausapin si baby pero umalis din, pinauwi dahil bawal dalawang bantay. Pag alis ni hubby dumating na si OB ire, push , tulak minsan pinagagalitan pa ako dahil mali mali ang pag push ko. π
Exactly, 7:53 pm nailbas ko na ang aking munting prinsesa ππ Grabe yung pain di ko at kakayanin pang maulit π Sobrang worth it lahat lahat.
Goodluxk sa lahat ng momshies jan pπ
#pregnancy #1stimemom #firstbaby
Jenn B.F