[UPDATED] Mukha raw akong katulong sabi ng partner ko.

Hi mommies. Nakakalungkot no? Pag yung taong "mahal" ka raw eh simasabihan ka ng mukhang katulong, madungis, di nag-aayos, naglalagas, etc. Sabi ko sakanya, akala niya napakagwapo niya para sabihin ako nun. Sabi niya "di ko need maging gwapo. It doesn't change the fact na mukha ka lang katulong. Ang definition ng katulong para sakin ay MADUNGIS, madumi suot, di nag-aayos, dugyot. Ikaw yun " 💔 mommies eh puro bago po damit ko at binili sa uniqlo pa. Sinasabi niya lang yun kasi panget talaga ako tas tumaba pa ako after namin magkaanak Actually po, di niya talaga ako type kahit nung college pa. Lagi niya sinasabi na panget ako, di raw niya marate itsura ko sa sobrang panget, ako raw pinakapangit na babae na nagustuhan niya, etc. Sa totoo lang po diagnosed ako ng complex PTSD at depression dahil sa mga sinasabi niya sakin. Pero natatawa po siya nung nagcchecck up ako. Baliw daw ako at di raw totoo ang depression. Mabuti nga raw sakin words lang daw, di ako binubugbog. Pero lagi po niya ako sinasaktan, tinutulak tulak, at sinisipa po. :( Pagod na pagod na ako mommies. Never din po siya nagsorry sakin. Araw araw ako umoiyak noon. Wala siyang pake kahit may ilang beses na inabot akong apat na oras na umiiyak at sobrang maga na ng mata ko, wala, para akong hangin :( Hiyang hiya na po ako lumabas dahik sa itsura at katawan ko. 😢 Kung wala lang anak ko, magpapakamatay na lang ako. Ang di ko maintindihan, bakit di na lang siya umalis kesa ipilit na mahal ako. Sobrang sakit. Sorry napahaba, wala po ako nakakausap kasi. Updated: dd mo lang mommies ah, ako po nagbabayad ng condo, bills, at grocery. Siya po ang pinapalayas ko kaso ayaw talaga umalis!! Mas malaki po sahod ko sakanya mga mommies. Currently, dalawa po kasi work ko since I am a freelancer. Di po kami kasal btw. Tsaka di lang partner ko yung ganyan sakin. Halos lahat din po ng kamag anak ko nilalait po itsura ko ngayon :( napakataba raw tapos losyang. 😢 Gwapo kasi anak ko mommies tapos mukha lang akong yaya lagi. Di ako makapagpaayos kasi unang una po 3 yrs na naglalagas buhok ko, di ko pa siya maparebond kaya lagi akong nakabun. PS LANG ULIT AH, DI AKO NAGHABOL SA KANYA NUNG COLLEGE. BAKIT INIISIP NG IBA HINABOL KO? LIKE WTH!!!! NAKAKA OFFEND AH. He restricted me to meet my friends, babae man yan o lalaki. Ganun siya ka controlling at manipulative. Tapos at the same time eh lalait laitin ako. Best friend ko lang siya nun. Di ko siya mahal, type, or gusto. In fact, nung pumayag ako maging kami, eh may iba ako kinikita na guys kasi di ko talaga siya gusto. I only see him as a best friend. Kaso nabuntis niya ako, game over na. Nakailang palayas na rin po ako, seeked help sa professionals, pero ayaw pa rin niya umalis dito sa condo ko. #pleasehelp #advicepls

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

What is psychological abuse? Psychological abuse is behaviour that aims to cause emotional or mental harm. It may not hurt your body, but can be just as painful and distressing in other ways. No one behaves perfectly in their relationships all the time. However, when someone deliberately hurts you over and over again it becomes abusive. Behaviour from others that aims to make you feel scared or bad about yourself is not OK. Psychological abuse can include someone regularly: Embarrassing you in public or in front of family, friends, support workers or people you work with Calling you names Threatening to harm you, your pets, children, or other people who are important to you Treating you badly because of things you can’t change — for example, your religion, race, past, disability, gender, sexuality, or family Ignoring you or pretending you aren’t there Doing and saying things that make you feel confused. This might include someone moving or changing things and then denying they have done this. Always correcting what you say with the aim of making you look or feel foolish.

Magbasa pa
2y ago

thanks po mommy nalimutan ko pala banggitin na pag galit na galit siya sakin, yung mga shih tzu ko po sinsiipa sipa at tapon niya :( nakakatrauma sobra kasi umiiyak yung aso ko lagu at natatakot sakanya :(