[UPDATED] Mukha raw akong katulong sabi ng partner ko.

Hi mommies. Nakakalungkot no? Pag yung taong "mahal" ka raw eh simasabihan ka ng mukhang katulong, madungis, di nag-aayos, naglalagas, etc. Sabi ko sakanya, akala niya napakagwapo niya para sabihin ako nun. Sabi niya "di ko need maging gwapo. It doesn't change the fact na mukha ka lang katulong. Ang definition ng katulong para sakin ay MADUNGIS, madumi suot, di nag-aayos, dugyot. Ikaw yun " 💔 mommies eh puro bago po damit ko at binili sa uniqlo pa. Sinasabi niya lang yun kasi panget talaga ako tas tumaba pa ako after namin magkaanak Actually po, di niya talaga ako type kahit nung college pa. Lagi niya sinasabi na panget ako, di raw niya marate itsura ko sa sobrang panget, ako raw pinakapangit na babae na nagustuhan niya, etc. Sa totoo lang po diagnosed ako ng complex PTSD at depression dahil sa mga sinasabi niya sakin. Pero natatawa po siya nung nagcchecck up ako. Baliw daw ako at di raw totoo ang depression. Mabuti nga raw sakin words lang daw, di ako binubugbog. Pero lagi po niya ako sinasaktan, tinutulak tulak, at sinisipa po. :( Pagod na pagod na ako mommies. Never din po siya nagsorry sakin. Araw araw ako umoiyak noon. Wala siyang pake kahit may ilang beses na inabot akong apat na oras na umiiyak at sobrang maga na ng mata ko, wala, para akong hangin :( Hiyang hiya na po ako lumabas dahik sa itsura at katawan ko. 😢 Kung wala lang anak ko, magpapakamatay na lang ako. Ang di ko maintindihan, bakit di na lang siya umalis kesa ipilit na mahal ako. Sobrang sakit. Sorry napahaba, wala po ako nakakausap kasi. Updated: dd mo lang mommies ah, ako po nagbabayad ng condo, bills, at grocery. Siya po ang pinapalayas ko kaso ayaw talaga umalis!! Mas malaki po sahod ko sakanya mga mommies. Currently, dalawa po kasi work ko since I am a freelancer. Di po kami kasal btw. Tsaka di lang partner ko yung ganyan sakin. Halos lahat din po ng kamag anak ko nilalait po itsura ko ngayon :( napakataba raw tapos losyang. 😢 Gwapo kasi anak ko mommies tapos mukha lang akong yaya lagi. Di ako makapagpaayos kasi unang una po 3 yrs na naglalagas buhok ko, di ko pa siya maparebond kaya lagi akong nakabun. PS LANG ULIT AH, DI AKO NAGHABOL SA KANYA NUNG COLLEGE. BAKIT INIISIP NG IBA HINABOL KO? LIKE WTH!!!! NAKAKA OFFEND AH. He restricted me to meet my friends, babae man yan o lalaki. Ganun siya ka controlling at manipulative. Tapos at the same time eh lalait laitin ako. Best friend ko lang siya nun. Di ko siya mahal, type, or gusto. In fact, nung pumayag ako maging kami, eh may iba ako kinikita na guys kasi di ko talaga siya gusto. I only see him as a best friend. Kaso nabuntis niya ako, game over na. Nakailang palayas na rin po ako, seeked help sa professionals, pero ayaw pa rin niya umalis dito sa condo ko. #pleasehelp #advicepls

58 Replies

grabe nmn Yung partner mo Kung makapang lait wagas wagas iwanan muna Yan di nyo Yan deserve ng baby mo ako nga sinabihan din ako ng partner ko na sobrang itim Kuna daw pero pabiro lang nmn nya sinasabii kaya sinasabii ko sakanya hintayin mo pag nanganak ako bbili ako ng mga skin care ko tapos sasabihin nya lang wagg muna unahin muna natin si baby ganun lang sinasabii nya inaasar ko din sya pero Yung sa partner mo mas grabe ndii ka manlang iniisip Kung nasasaktan ka

mommy naiinsecure yan sayo dinadown ka kase maganda ung buhay mo mas angat ka kesa sa kanya.. love yourself mommy, and focus on your kids nalang ... ipakita mo na hind ka naaapektuhan ... kayang kaya mo naman buhayin sarili mo and your kids .. tandaan mo my anak ka sila dapat ung strength mo, wag na wag mo iisiping mgpakamatay mommy.. kawawa ung kids mo if evr .. isecure mo lang lahat ng financials mo siguraduhin mong d napupunta jan sa asawa mong gago.. kaya mo yan..

May napanood akong video na ganyan kasi si girl mas malaki kita kaya si lalaki sa bahay lang aba ginaslight na kesyo wala paki sa family mas importante work i no choice naman si wife kasi batugan si lalaki pati mga anak niya galit na sa wife kasi nabrainwash ng batugan na lalaki.

Nabasa ko ito at sinabi ko sa asawa ko na tuturuan namin ang mga anak namin kung ano ang tamang trato sa kanila, ipapakita namin yun sa kanila para kapag tinrato sila ng hindi tama alam nila na hindi tama at kahit wala na kami sa tabi nila alam nila ang gagawin nila. Kasi diba our parents prayed for us, take good care of us and loved us and who is f****ing man who would treat us less. Bakit di niya na lang ibalik sa akin kung di niya kayang erespeto at mahalin.

No one would treat us less if would not allow them, if we would not allow them, married or not and even if we already have a child it's okay to stay away from that.

Ako po yung nag post, nalimutan ko pala banggitin na pag galit na galit siya sakin, yung dalawang shih tzu ko inaabuse niya. As in sipa at tinatapon niya or papaluin ng malakas. Pag yun na ginawa niya dun na ako nagwawala kasi umiiyak yung aso :( nakakatrauma talaga. Pinapakiha ko nga siya sa mga kamag anak niya kaso ni isa sakanila ayaw ako tulungan :( sa barangay, wala akong proof ngayon na mappresent. Ttry ko siya videohan sa susunod..

Nakakabili ka naman ng damit sa uniqlo my kaya ramdam ko kaya mo kahit wala siya. Sabi nga walang mangaapi kung walang magpapaapi. Kung ako sayo magipon ka ebidensya ng mga verbal at emotional abuse nya sayo pati yung diagnosis ng depression mo at kapag naghiwalay kayo isupalpal mo para dika magaslight. Tska bakit ka magpapakamatay swerte naman niya mas ok iwanan mo siya. Sarap mabuhay sa mundo. Lalo may anak kana ok na enjoyin mo ang life.

Iwan mo na sis.. Hindi mo deserve ang ginagawa niya. Kaya mo yan. Kasal ba kayo?? Magipon ka ebidensya kasuhan mo o ipablotter mo sa barangay para kapag binaliktad ka nyan may blotter tapos pati diagnosis na may depression ka.. Mental health is important kaya ginaganyan ka kasi dinadaan mo sa iyak. Maging matapang ka.. Kawawa baby mo if naririnig niyang ganyan sinasabi ng asawa mo. Baka pati anak mo ganyan gawin niya.. Irecord mo kapag nilalait ka niya.

Dpt ikaw na lang umalis miii, wag mo pag sisiksikan sarili mo you deserve more than That, u deserve better,. Your baby deserve a comportable life w/o a manipulative partner.. Ikaw naman pala mas maykakayanan mag provide, kakayanin mo mag isa.. Mahalin mo ung sarili mo. Choose your self and your baby.. Hindi mo deserve yng ganyan klaseng kasama sa buhay.. Bitawan mo na yan hanggat kaya mo pa.. Lumaban ka!!

Papulis mo di naman kayo kasal

sorry mi ah. you don't deserve to be treated that way, but you deserve what you tolerate. since college pala ganun na sayo bat pinaabot pa ng ganyan katagal, and since ikaw naman pala may kapangyarihan jan sa bahay edi palayasin mo na, ipa-barangay mo pag ayaw. sobrang toxic nyan. may anak ka na, i-prioritize mo na ung anak mo kasi mas nakaka drain ung may kasamang ganyan sa buhay.

bakit hindi nalang ikaw ang umalis. lumayo kayo ng anak mo Sis. mas mahalin mo ang sarili mo para na rin sa anak mo. walang kwenta yang kasama mo.. kung ako sayo aalis ako dyan. may ganyan talaga e. ang kailangan mo tatagan ang loob matuto kang lumaban. at kung magkataon nga, magayos ka lalo.. ayisin mo buhay na kayo ng anak mo.. hai naku nakakastress yang kinakasama mo.

Kung hindi kayo kasal o kahit kasal pa kayo i pa barangay mo na o women's desk para umalis.. Magtawag ka ng kamag-anak mo tignan ko di umalis yan..

Wake up girl, you deserve better. Tska bakit yung ibang babae ok ang partner kasi they know what they deserve and they walk away if they weren't serve what they deserve. Bakit mo titiisin?? Ako hindi ako kagandahan tapos mataba pa ako, pero para sa akin MAGANDA AKO AT SEXY AKO! aba pinalaki ako sa pagmamahal ng magulang ko ha. Kung ayaw sa akin di ayaw ko din.

Hmmm. Mahirap magstay kung alam mo na may mali sa relationship nyo. Pag lhmaki anak mo okay lang ba na ganyanin ka nya ng ganyanin? If after all those years ay nasanay na sya ng ganyan. I doubt kung may guilt feeling pa sya. If ganyan pinagsasabi at nafifeel nya sayo ano gusto nya mangyari. You know whats best for you sis. It is all up to you anyways.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles