33 Replies

Ang first ob ko sa unang anak ko, napakabait, sa pasig pa kami nun. Anytime lagi siya nagrereply sa mga concerns ko, mabait din cya at sobrang maalaga, binibigay niya personal contact niya. Wala akong ka problema at masaya ako. Kabaliktaran sa pangalawang anak ko ngayon, first trimester pa lang ako, taga South Imus hospital ob ko, sa unang meet namin napakataray niya, pati secretary, bawal ka magpalit ng ob policy ng hospital. Grabe! Kalaunan medyo okay na cya kaso di pa rin namimigay ng personal contact niya, pero ang secretary mataray pa din. Last week nag memessage ako na please iinform si doktora na grabe ubo ko, until ngayon walang reply, tapos kung iupdate nyo siya, magagalit sabihin ba na busy po ako Maam pasensiya na po. Hanggang ngayon iniintay ko pa ang reply. Hahaha Hinintay ko nalang yung ibang test ko sa kanila at hahanap ako ibang OB. Mas malapit kasi kami sa bagong hospital na yan kaya no choice ako.

OB ko mabait naman at ung secretary, mareply sa mga concerns. Lagi nga lang may emergency kaya may reliever si OB. Parang na encounter ko na yang Sec na sinasabi mo, ung hanggang leeg ung haba ng hair? nataasan ko na ng boses yan eh, nanahimik din naman 😄 Buti hindi ako sakanila.

parang red flag naman ng OB na to.. #1 na binibigay ng OB is contact details nya incase may mangyari. magsasabi pa yan ng anytime basta emergency. ung OB ko, ka viber ko pa palagi. i remember na ER ako ng holiday, kala ko wala sya pero kahit taga muntinlupa pa sya, pinuntahan nya ko sa calamba. oldies na din OB ko, OB pa sya ng mom ko, my husbands side, family friends even workmates namin ni hubby. straight forward oo pero not mataray. actually dami ko pa nga natutunan sa kanya kasi pinapaliwanag na nya lahat. if hindi ka comfy, magpalit kana ng OB. naalala ko, nung nag ask ako sa hubby ko san ako magpapaalaga, sabi nya sakin na ako bahala kung saan ako comfy. been to 2 other OBs pero un nga i chose my moms OB kasi comfy ako sa kanya, at the same time, bata pa ko kilala ko na sya 🤣

ako naman napaka swerte ko sa ob ko. As in di ka mahihiyang magtanong. mauubusan kanalang ng sasabihin. napaka joker pa panay tawa kapa sa kanya. istrikta sya lalo na pag sinabi nyang bawal bawal. kailangang sundin. of course para sa ikabubuti namin. magaling mag alaga though nakunan ako sa first baby ko kasi working ako nun and tagtag. Pero ngayon ok na. 36 weeks na ko and isa sa kinalulungkot ko is di ko talaga ma afford sa ngayon yung package nya kahit alam kong mahal talaga ang private ob. sabay sabay kasi ang gastusin and kelan lang ulit nakabalik ng work si partner but still naiintindihan nya ko if ever na sa government hospital ako manganganak kahit nakakahiya talaga. Kung taga dito kalang samin mi i rreffer kita sa kanya talaga.

Naka 3 times akong Palit ng ob bago ko nakuha ung treatment na gusto ko. and grabe ganyan na ganyan ung 2nd ob ko no baby book, ayaw mag bigay ng number, apaka tagal sumagot sayo dahil wait pa ng secretary ung sagot ni doc jusko. nakakabwst Lang. meron pa ung 5weeks palang ako no heart beat pa baby ko tinakot ba naman ako na baka bugok na pagbubuntis. leche tapos every time like tumaas ung sugar ko tatakutin ako na maybiba daw patay na ung baby tapos galit sya lagi. syempre buntis emotional tayo at need encouragement. buti nalang lumipat ako ng bataan sakto may nakita akong ob ang bait Mas mababa professional fee compared dun sa nauna. hanggang manganak ako nakakapag ask ako saknya via fb and lahit about Kay baby nag advice sya sakin.

VIP Member

Hanap ng iba mi. Nagbabayad ka no hahaha di mo deserve yung ganyang ob. Yung ob ko though hindi sya mahilig sa baby book din, minsan nalilimutan pa nga namin haha. Pero sobrang one text away sya, sobrang bilis sumagot. Sulit pa kada check up kasi di nagmamadali. Di ka mahihiya magtanong ng kahit ano. Fb friends pa nga kami at napakabilis sumagot sa chat 🤣 She is my 5th or 6th OB na. Sakanya lang ako tumagal. Sakanya nalang din ako nabuntis sa tagal tagal namin nagtatry sya lang nakatulong sakin. Hanap ka ng ob na ramdam mong concerned talaga sya sayo.

Yung una ko pong OB parang di ako comfortable kasi parang mabilisang check up lang (private hospital) and hindi masyadong nageentertain ng question. Medyo mataray rin. I changed OB, then yun, may pregnancy book na sa 2nd check up. Super bait and caring din. May time na umabot ng 20 mins yung check up dahil sa dami naming tanong ni mister. :D At dahil dun, nagdecide si Mister na dun na sa ospital na yun manganak kahit mahal ang package kasi feel nya na maaalagaan ako at si baby. Sa tingin ko po, importante na comfortable ka sa OB mo.

Same po tayo, Lahat ng concerns kelangan imessage ung secretary and may ibang nararamdaman diretso sa E.R and ayaw ibigay ung contact # then nung time na pinakuha ko na kay hubby ung papers ko dahil magpapalit ako ng OB then don nya ako pini'em sa FB like WTF saka mo lang ako ipi'pm kung kelan hndi nako comfortable sayo. then pagkapalit ko nakahanap ako ng mabait na OB. if you don't feel comfortable with your OB better find another one, 6months na nga ako nung nagpalit ng OB and I feel good with my new OB now🥰

VIP Member

naranasan ko yan sa first ob ko.ayaw ibigay yung number niya para in case may problem i can contact her agad kaso imessage na lng daw si sec sa fb page nila then si sec na magrelay kay doc.eh yung time na un nsa ectopic pregnancy stage ako..ang hirap siyang ireach out pero mabait naman..dito sa 2nd OB ko na nasa hospital dito sa metro manila opposite siya kay 1st OB..kaya super thabk you ako kasi ambait and pwede mo siya itext or tawagan anytime pag may concerns gaya ng sabi niya

magpalit ka mi. ako rin ganyan nagkamiscarriage ako dahil mali ako ng pagpili ng OB. alam mo yung feel mo na pera pera lang po ganon yung sa una kong OB . kaya nagpalit ako and super bait nang naging OB ko nung sumunod twing check up ko "hello mommy kamusta na ang baby ko? " laging ganyan ang bungad nya sakin and smile pinapaliwanag nya sakin lahat lahat as ftm napakabait and komportable akong magsabi ng kahit ano nang hindi ako nahihiya.

TapFluencer

Hanap ka ng OB na kasundo mo and magaan un loob mo. Ung OB ko, anytime pwede namin contactin ng husband ko, through text and chat. Kahit anong concerns ko sa health ko, nandun siya ready sumagot. Mapa 11pm or 4am pa yan. :) May mga doctors na mabait and ibibigay numbers nila in case of emergency. Kasi syempre, sila nga un doctors mo, so ipapafeel nila sayo na inaalagaan ka talaga nila. Mas better if humanap ka ng ibang OB.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles