Spotting for almost 1 week

Hi mommies. Nag start ako ng spotting march 20 agad agad nagpa utz ako ang sabi ok naman si baby normal ang result ng trans v. After a week nag spotting nanaman ako ngayon pinapunta ko agad yung asawa ko sa midwife namin then nagbigay ng pangpakapit na iinumin ko 3 times a day for 3 days. Kaso after 3 days meron padin akong brown-red na discharge kaya nagpa trans v nanaman kami 12 weeks na ako nun normal padin naman ang result. Walang hemorrhage, good HB si baby, long and closed cervix naman ako. Kaso hanggang ngayon nagkakaron padin ako ng ganung discharge usually tuwing umaga lang then whole day wala na. Hindi naman ako masagot ng midwife kung ano pa yung possible reason bakit ako nag sspotting. Bagong lipat lang kami dito sa area namin kaya tsaka malayo yung mga hosp dito kaya wala akong malapitan na OB. Sana po may makapag share ng experience nyo na kagaya sakin pra makapag relax naman ako kahit papano. Naka Bedrest lang ako ngayon di masyado makapag relax kasi inaatake ng panic attack. Please no negative comments po sana. Thank you #pleasehelp #advicepls #spotting

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nag cocontact po ba kayo ni habi? Pag may spotting avoid intercourse po muna. Madalas din ako may spotting. Una may subchroionic hemorrhage. December to January yun almost 2 weeks ang spotting. May pampakapit din. Nung Feb. may pasumpong sumpong ding spotting. Low lying placenta naman. Then nung march 16 nagspotting ako. Kinabukasan sumakit puson, pinapunta agad ako ni ob sa clinic. Pag ultrasound may contractions ako. Pampakapit pa rin. At till now naka complete bedrest ako. Tatayo lang pag maliligo. Sa bed din ako kumakain. Marami pong pwedeng reason eh. Last spotting ko march 20. Pero saglit lang. Nagstop naman. Di na inabot mg kinabukasan. Rest pa rin. Kahit may spotting ako pag chinecheck si baby healthy naman sya at safe. Wag ka masyadong mag isip. Para mapanatag ka humanap ka ng oby sonologist. Sya mismo maguultrasound sayo. Ang pera kikitain. Ang safety natin lalo na ni baby ang mahalaga at priceless. Stay safe and healthy mommy. I hope nakatulong ako sayo. Pray lang at kausapin mo si baby.

Magbasa pa

hi mommy na experience ko yan halos araw araw every morning meron akong spotting.. on going pa lng ako sa 2 months nun.. weekly nasa o.b ako and tvs ..ok nman ang baby .. nakaka paranoid lng kc hindi ko na fefeel na may uti ako pero yun ang findings na nagiging cause ng spotting .. in short nag take ako ng atibiotech almost 2 weeks magkaibang antibiotics na pang uti . hindi pa rin ako nakampanti kc ang hirap makatulug nakka paranoid talaga .. nag sspoting bed rest nako subra wla din contact simula ng nag preg. ako . nag pa second opinion ako sa ibang clinic & o.b sinabi ko lahat ng senaryo ... sinilip nya ang vigina then nakita nya polyps ang cause ng spotting .. nag sched sya na tatangalin saktong 3 months tyan ko nag karoon ng procedure wla pabg 30 mins. tangal na .. and almost 3 days midjo spotting pero normal lng daw yun .. then until now ok nako at si baby hindi na ako paranoid kakaisip 😁

Magbasa pa

hi momshie, share ko lang experience ko. first time mom din ako. nun 5 months preggy ako nagkaroon din ako spotting nun nag panic ako nagpa consult ako agad sa Obgyne ko. upon checking ok naman heart beat ni baby. kaya lang may spotting yun yung natira mens sa vagina or yung pressure nun tummy natin sa vagina. keep on praying lang girl😊 think positive. lagi ka din mag update sa mga close friends mo lalo na sa ob mo para ma relax ka din 😊 God bless

Magbasa pa

take mo lang po ung med na pampakapit,tas bedrest ka po,lagyan mo po ng unan ung sa pwet banda tas sa paa,..mawawala din po yang bleeding,ganyan po kc ung hipag ko..now ok na xa wala ng bleeding..and pray po.

higa klng pu mommy.wag panay tayo.higa lng talaga...ganun din ung xakin.ilang weeks din.higa lng aku mula umaga hanggang gabi.tatayo lng aku pag umihi.

Dapat po utz ulit kayo at pacheck sa ob para po mapanatag kayo mommy.

4y ago

Halos weekly na po ako nagpapa ultrasound mommy and same result padin normal naman lahat kaya hindi ko na alam iisipin ko kung ano pa yung reason ng spotting ko

πŸ†™πŸ†™

πŸ†™πŸ†™