Basic needs of a newborn baby

Hello mommies! Mga magkano po nagastos nyo sa pagbili ng mga basic needs ng newborn baby? 😊

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit ang mura ng mga sa inyo? :( Di pa ako nakakabili ng gamit since 6mos palang ako pero yung nasa listahan ko lagpas lagpas sa inyo. Pano ba magtipid po hahaha. Wala din ako aasahan mag sponsor since covid. Pero crib palang na gusto ko 10K na wala pang mga gamit gamit ni baby.

5y ago

Try mo yung suggestion sa akin ng ob ko sis. Since ftm ako try to be minimal muna sa pag bili. Like kung ano lang muna need ng newborn, for example sa barubaruan wag mo muna bilhan si baby ng 3months and up na clothes since di mo alam kung gaano kabilis yung growth ng baby. Kaya ang binili ko lang kay baby 12pcs set ng barubaruan (tie sides, pajama, bonnet, mittens and booties), 12pcs lampin, comforter set. Buti na lang natiis ko yung tukso ng dept store kasi yung nabili kong newborn wala pang 2months si baby masikip na. Sa hygiene naman ni baby wag muna bumili ng maramihan, since di ko pa alam yung skin type ni baby, for example 1pack newborn diapers (I tried huggies pricey pero okay sya for newborn). Wipes 1pack lang din muna, alcohol and cotton pwede madami na bilhin since yun yung gamit na gamit. Nagastos ko siguro around 3k for my baby. Yung mga crib, duyan, rocker and booster seat after ko na manganak binili na ngayon 7months na si baby yung rocker and booster seat lang nagagam