Hypertension

Mommies, meron po ba ditong may gestational hypertension? Gusto ko lamg mapanatag. May tiwala naman ako sa OB ko pero nagbabakasakali lang na may kapareho ako ng sitwasyon. 34 weeks na ako now, for the past 2-3 weeks, taas baba ang bp ko at di na nagnonormal. Nagtetake ako ng methykdopa - aldomet. Kaya mula sa 1 tablet every 8 hours, itinaas sa 2 tablets every 8 hours na sya. Pero ngayon mataas pa din, kaya tinaas na uli sa 2 tablets every 6 hours. Hays, kaya ko ang dosage ang takot ako ay ang effect nito kay baby. Anyway, may same case kaya ako dito? Salamat po

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy. ako din po meron. as of now naka confine pa din ako dahil minomonitor pa din bp ko. di ko din alam na meron na pala ako hypertension, nung nagpacheck up ako dun nalang nakita mataas bp ko pero nung 1st to 2nd trimester ko normal naman ako.. hoping din ako na maging maayos na. same case tayo na 34 weeks pa lng din si baby ko.

Magbasa pa

Wag kn kumaen ng rice mommy.. More on fruits kn lng at gulay skyflakes.. Para hnd ka hb..

5y ago

Naku mommy, kamote at white corn na lang ang food ko instead of rice as advised by my dietitian since low glycemic index sya compared sa rice. Pinaiwas din ako sa skyflakes kasi maalat sya so not good for hb din. No meat na din ako only fresh water fish na steamed and no salt and any seasoning. Super balanced diet na din ang meals ko, di din pede fruits lang kasi mataas sa sugar. Hays, kaya nga nagtataka na kami bakit tumataas pa din bp ko. I was even rushed to ER kagabi kasi 170/100 ang bp ko. Kaya higher dosage nako ng gamot for hiblood.