Wind of Change

Mommies, Meron ba dito na nung buntis po kayo super maalaga ng asawa niyo sa inyo? Halos super careful sa mga bagay bagay. Yung tipong sobrang special mo sakanya kasi nga buntis ka. Pero biglang nagbago nung nanganak ka.. Like, Hindi na sya maalaga sayo. Kasi wala na. Lumabas na yung baby. Kapag nagagalit ka, Wala na. Yung dati na suyo agad, Ngayon wala na umiyak ka mag isa mo. Meron po ba ditong nakaexperience ng ganon? Mommies, Nag woworry kasi ako baka maging ang asawa ko. Maalaga ngayon kasi buntis ako dala ko baby nya. Tapos baka pag nanganak ako wala na.. Mawalan na sya ng care sakin kasi nailabas ko na baby.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Asawa ko maalaga sa akin nung buntis ako pero MAS naging maalaga pa sa amin ni baby nung lumabas na.