paano magpatawad

hi mommies. malapit na ako manganak pero ang bigat bigat pa rin sa loob dahil simula nung nalaman kong buntis ako, naglaho na lang na parang bula ang bf kong libog lang ang alam at ayaw ng responsibilidad. ayaw niya pa daw maging ama dahil hindi xa financially stable, isa pa kumplikado daw at di raw matatanggap ng family niya kasi ibang lahi xa at muslim sila. wala na kami kontak since umuwi ako ng Pinas, blinocked ako. wala xa support kahit moral or financial. ang sakit-sakit sa pakiramdam. walang gabi na hindi ako umiiyak, iniwan na lang ako ng ganon-ganon lang. gusto pa nga ipaabort si baby nung nalaman niyang buntis ako, hindi ako pumayag. 1st baby ko toh. nalulungkot ako kasi wala magiging ama si baby. xaka everytime na iniinterview ako sa hospital, naiiyak na lang ako bigla dahil tinatanong kung nasan ang partner ko. ang sakit tanggapin na magiging single mom ako, ok lang sana kung may support, pero ni piso o kahit moral support man lang wala. ang hirap magpanggap na ok lang ako dito sa bahay para hindi maging malungkot lalo ang parents ko sakin. haaaays

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hayaan mo na sia momsh.. Pag sisisihan nia ung ginawa nia sayo. Sa ngayon nakakalungkot kase ung pangarap ntin na buong pamilya prang malabong mangyare, pero wala naman tayo mgagawa e. di natin maplease ang mga tao na yan. Dun ka s positive side :) Nsayo ang anak mo, magiging magkasama kayo, anjan dn ang pamilya mo. Im sure full support sila sayo at sa baby mo.Galing din ako s broken family, sanggol plang ako mas pinili ng nanay ko na buhayin ako mag isa dahil iresponsable ung tatay ko. Masaya ako kahit wala yung totoo kong tatay, amg daming nagpaka tatay para sakin, ang daming nagmahal sakin. Hindi ko man nramdaman ung pgmamahal ng tatay ko, lahat ng nkapaligid sakin mahal na mahal ako. At yun ang isang pinagpapasalamat ko. Hindi ako pinabayaan ng nanay ko, ginawa nia lahat mabigay lang pangangailang ko. Kahit na magkalayo kame, di yon naging dahilan para lumayo ang loob nmin s isat isa :) Time will come mommy, lalo na pag labas ng baby mo, you will look for brighter side of you life with your baby. Pray lang gabayan kyo ni Lord. Aja mommy! :)

Magbasa pa

My mother probably went through the same thing. Dine-deny pa nga daw ako ng tunay kong tatay noon. Ayun, mukhang naipaglihi ako ng mom ko sa sama ng loob 😁 When the time finally came for me to meet my real father, hindi ko alam pero ang bigat-bigat ng loob ko sa kanya. As in ayaw ko siyang makita. Pansin ko rin everytime na dadalawin niya ako, nilalagnat ako 😱. Hindi ko mapaliwanag at the time kung bakit ganon kasi first year high school lang ako when i met him, and hindi pa nakwento sa akin mga pinaggagawa nyang mali sa mom ko noon... pero for some strange reason ayaw ng buong pagkatao ko sa kanya. Hindi ko alam kung bad karma 'yon o ano pero pinatawad ko na siya. Napatawad na rin siya ng mom ko, especially since naging maayos naman ang buhay naming mag ina. I turned out okay naman! Nakasal ang mom ko sa isang disenteng lalake na nagbigay ng apelyido at masayang pamilya sa amin. Panahon lang siguro ang kailangan, sis. Mapapatawad mo rin siya. Ibuhos mo sa baby mo ang lahat ng oras, atensyon at pagmamahal mo. I'm sure hindi ka magsisisi.

Magbasa pa

Hi. I was 20 yrs old when I had my 1st child. Nung 1 yr old sya, naghiwalay kami ng daddy nya. Kinaya ko po kahit wala syang daddy. Single mom po ako for 7 yrs until makilala ko yung step dad nya ngayon. Pero during those 7 years, kinaya ko po. I'm only sharing this to tell you na kakayanin mo rin yan. Ang isipin nyo na lang po is anak nyo. Bawal pong mastress lalo na manganganak na kayo. Pag lumabas na po si baby, makakalimutan nyo rin ang daddy nya and your world will revolve na lang sa baby nyo, I swear. Sya po ang nawalan, not you. There's othing wrong in being single parent. If umalis si guy, then you don't deserve him po and he isn't worth crying for. Stay strong po for your baby and God bless. Goodluck sa journey mo.

Magbasa pa

no need kung hindi mo tlga kaya, at hindi nya naman hiningi, yung kapatawaran, focus on your baby, ngayon lng yan sakit , kung maka2pag pagaan sa loob mo , cge iiyak mo pero wag mong pata2galin dahil mara2mdaman yan ni baby, once na naka panganak kana magba2go na buhay mo , yang nara2madaman hindi na magi2ng importante, dahil kay baby na iikot ang mundo mo hindi na sa taong na2kit at nang iwan sayo, walang masama sa pagi2ng single parent kung yun ang hinihingi ng pagka2taon, cnasabi lang nito sayo na kailangan mong magpaka2tag at maging matapang para sa baby mo at para sa sarili mo .

Magbasa pa

Ganyan din nangyari sa akin Hindi pinanagutan Ang baby ko ni piso,pero napalaki ko Ang anak ko mag Isa,be strong para sa baby mo Kasi kahit mag Isa ka Lang kakayanin mo Basta nandyan Yung pag Mahal mo sa anak mo,and pray na kayanin mong lahat,pero matutu ka Rin mag patawad then move forward,..and you will see everything is gonna be okay,Wala namang pag subok na binigay si God na Hindi mo mapapag tagumpayan,stay positive 😊

Magbasa pa

Pray mommy. Kaya mo yan. Dalawang kapatid ng mama ko single mom pero sa awa ng Panginoon professional na lahat pinsan ko. God is really Good.. Baka may mas magandang plano si God para sayo. Isipin mo nalang mommy, baka hindi binigay ni God ang papa nya na sumoporta sayo kasi hindi sya karapatdapat. God bless po. Be strong para sa baby mo. Hindi ka nag iisa sa journey mo.

Magbasa pa

Time heals everything, magfocus ka kay baby na sya ung magandang nangyare at tama choice mo na wag ipalaglag. Dun palang ang tapang tapang mo na. Ang pagpapatawad hindi napipilit mommy kusa mo sya mapapatawad pag handa kana😊 naniniwala ako mabuti kang tao mommy kasi kahit ganon ginawa sayo nagiisip ka parin na magpatawad.😊

Magbasa pa

Seek God and everything will follow 🙂 kasama n Po healing ng heart niyo and ung kakaibang joy n ibbgay Niya sa puso mo. Cliche man siya pkinggan pero sa knya lng ako gumaling.. from heartaches and childhood issues.. don't get me wrong I still make mistakes it's just that I'm not a prisoner of it anymore. 🙂

Magbasa pa

learn to accept the things that we cannot change.. once ntanggap mo na ikaw at anak mo lng tlg ang mgkakasama mdli na para syo ang magpatawad.. at sympre bgo mo sya mapatawad kailangan mo ptwarin dn ang srili mo dhl s pghholdbck ng mga hinanakit o galit. itaas mo ke God lht ng yn, mggng okay k dn

VIP Member

If i were u i'll get even.. If that guy is working in an arab country, I'll fo everything in my power para lang madeport siya.. ahahaha. 😘 Wag kang panghinaan ng loob momsh.. Daming pwedeng gawin oh..

Magbasa pa
5y ago

Saudi national po xa.