Share ko lang po..

Hi mga momshies.. Gusto ko lang ishare to kasi ang hirap hirap at ang bigat sa dibdib araw araw eto nararamdaman ko 24 weeks pregnant ako ayun yung nakalagay sa pregnancy track. Pero simula nung nalaman ko na buntis ako hindi pa ako nakakapag pacheck up.. Sobrang stress ako kasi ama ng dinadala ko iniwan ako bumalik sa dati nyang gf. 6 years na kami at buntis pa ako pero mas pinili nya pa din yun, mga sis sobrang nakakastress, yung wala kang kahit anong suporta na natatanggap, kahit sa fam ko wala.. Hindi ko alam anong mangyayari sakin nito minsn natutulala na lang ako, iiyak kasi di ko alam paano baby ko kasi kahit comfort sa family ko wala, check up wala, mas nasesermunan at pinamumukha pa sakin na sakit ako sa ulo,walang kwenta, nagpabuntis lang daw ako sa ex ko... Ang sakit sakit ng mga naririnig ko pagod na pagod na ako 😭😒#1stimemom

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis, yung sa bf mo ilet go mo na. Ganun talaga, isipin mo na may bata kang kailangang alagaan. Di man maganda yung ending nyo nung ama ni baby pero kahit na ganun dapat maging priority mo na sya. Kung wala kang suporta na natatanggap umpisahan mo nang suportahan ang sarili mo sis. Sa sarili mo nag uumpisa ang suporta hindi sa ibang tao. Di ka uusad kung wala kang gagawin. Iiyak mo sis pero dapat may ending, bumangon ka. Umpisahan mong pumunta sa ob or sa center para makapagpa check up ka.

Magbasa pa
VIP Member

wag kang pumayag na wala kang sustento, may karapatan ka eh nabuntis ka eh, kung gusto kang iwan ng ex go lang iwan ka nya pero ung baby kung wala kang mapagkukunan ng suporta isumbong mo sya kung saang brgy man (kung ako lang yan ha pero choice mo pa din) oo pwede ka naman mag work pero malaki na yan 6 months na yan eh, lumaban ka para sa anak mo kahit hndi na para sayo, kawawa naman ung baby dpa nagpa check up dapat may iniinom ka nang vitamins nyan eh sarap sapakin nung tatay..amp triggered

Magbasa pa
3y ago

tama ang swerte naman nya sya nag papaka sarap ikaw nag hihirap kaht pra sa anak nyo na lang kht wala na kayo .grabe mga lalaking ganito kung kilan nabuntis na saka naiisip bumalik sa mga ex di sana noon pa bumalik na kung balak dn namn nya.

pwede ka po mag pa check up sa health center nang barangay nyo, wala naman po ung bayad. para mabigyan ka din nang vitamins and macheck nila kung ano na lagay ni baby mo,lalo na ngayon na stress ka mas masama un kay baby. pag dating naman dun sa bf mo wag ka pumayag na di ka suportahan kasi anak nyo yan pareho,gawin mo nalang ngayon pag pray mo and bigay mo kay Lord lahat nang iniisip and problema mo, tiwala lang kay Lord di ka nya papabayaan

Magbasa pa

Totoo naman po yun bat nag pabuntis ng hndi pa kasal, ngayon wala ka pong hawak na kahit ano. pero hndi pa huli ang lahat. kayang kaya mo yan mag isa. mag ppray ka lang plagi and stay motivated. mahirap pero kaya mo yan ❀ wag din tayo aasa sa family kse sila unang mag dodown lang satin, hndi sila magandang katuwang sa problema. pero mag labas naman ng apo nila kung maka habol habol yang mga yan. jusko

Magbasa pa
3y ago

wag kang pumayag na ganon ganon nalang yun mumsh, obligasyon nya habambuhay yang baby mo kahit wag na kayo mgbalikan pero magpaka ama dapat sya sa anak nya.IPaglaban mo karapatan at pangangailangan ng anak mo mumsh.

TapFluencer

pacheck up ka muna sa health center sis ng mabigyan ka ng vitamins para sa baby mo wag mawalan ng pag asa alam kung mahirap ang sitwasyun mu ngayun isipin mu na lng si baby at sa ama naman nia ireklamu mu para kahit papanu mabigyan man lng ng kunting sustento pagbubuntis mu ngayun ,kaya mu yan tiwala lng πŸ™πŸ™πŸ˜Š

Magbasa pa

Momshie it’s never too late to make the right choice. Priority mo na ngayon yang blessing na nasa sinapupunan mo… sana gawin mo Kung ano makakabuti sa bata. Magpa check up ka na sa lalong madaling panahon. Walang disgrasya sa Diyos. Gabayan ka sana Niya sa anong tamang Gawin which is ang Magpa check up.

Magbasa pa

laban let him go di sya worth ipaglaban..kayanin mong buhayin ang bata wala syang puwang sa mundo sa pagiging iresponsable nya ganun din kung kau mgloloko din sya let him go nalang kaya mo yan momsh di ka nagiisa kesa nasa toxic relationship ka pati bata maapektuhan kawawa naman wag na

Magpascheck up na po kayo. Sa ultrasound pag nakita mo na si baby, for sure, maiinspire ka :) start ka sa inspiration na un. Kahit wala si baby daddy kakayanin mo yan.

ipatulfo mo na po kahit sustento lang bayaan mo na siya sa binalilan nyang ex atleast may baby ka na.s abi nga nila ang asawa or bf napapalitan ang anak hindi

sis mag effort ka din para sa baby kahit sa center lng mag punta ka. mas mahirapan ka kapanganak mo sakitin anak mo kase hindi healthy ang pregnqncy mo