paano magpatawad

hi mommies. malapit na ako manganak pero ang bigat bigat pa rin sa loob dahil simula nung nalaman kong buntis ako, naglaho na lang na parang bula ang bf kong libog lang ang alam at ayaw ng responsibilidad. ayaw niya pa daw maging ama dahil hindi xa financially stable, isa pa kumplikado daw at di raw matatanggap ng family niya kasi ibang lahi xa at muslim sila. wala na kami kontak since umuwi ako ng Pinas, blinocked ako. wala xa support kahit moral or financial. ang sakit-sakit sa pakiramdam. walang gabi na hindi ako umiiyak, iniwan na lang ako ng ganon-ganon lang. gusto pa nga ipaabort si baby nung nalaman niyang buntis ako, hindi ako pumayag. 1st baby ko toh. nalulungkot ako kasi wala magiging ama si baby. xaka everytime na iniinterview ako sa hospital, naiiyak na lang ako bigla dahil tinatanong kung nasan ang partner ko. ang sakit tanggapin na magiging single mom ako, ok lang sana kung may support, pero ni piso o kahit moral support man lang wala. ang hirap magpanggap na ok lang ako dito sa bahay para hindi maging malungkot lalo ang parents ko sakin. haaaays

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same tayo ng situation momsh. pero magseseven months na ako ngayon. and unti unti ko na ring napatawad yung tatay ng anak ko. sa una lang masakit. god bless momsh. kaya mo yan. pakatatag ka

Wag mo na isipin yung walang kwentang bf mo. Si baby na lang ang isipin at pagtuunan mo ng pansin. Ngayon kung alam mo nman ang address at name ng bf mo ireklamo mo sa vawc para sa child support.

5y ago

Saudi xa mommy. kailangan ng malaking pera para makasuhan at maipakulong xa

I salute you mommy kasi hndi mo pinaabort yung baby. Pag labas nyan sobrang saya naman ibibigay sayo. Mahirap lang talaga sa una pero maggng okay din lahat.

pag labas ni baby mapapawi lahat ng sakit mommy..worth it c baby promise. wag na mastress delikado for baby.. be strong po.. kaya mo yan.

Pray kalang kay God momsh. Wag ka pa-stress dahil bawal yan at ikaw ay buntis. Ipasadiyos mo nalang ang lalaki na yun

VIP Member

hi mommy be strong...maging matatag ka para kay baby i know mahirap pero u have to ..para sa anak mo

Hindi ikaw ang nawalan , siya ... Sila ang nawalan. Wala syang yagballs mamsh..

ISAIAH 43:18 ❤️ Always talk to God 😘 Your a strong woman 💪

Magbasa pa

Kht d mo na sya mapatawad ang importante si baby.

Stay strong and positive momshie