Change pedia?

Hi mommies magpalit na ba ako ng pedia ni baby? May rule kasi sya na "only well babies are allowed on my clinic" then kanina umaga minessage ko sya nagtatanong ako kung ano pwede gawin o ipainom na gamot kay baby ko kasi sinisipon pero hanggang ngayon hindi sya nagrereply. May clinic sya bukas pero hindi naman ako makapunta kasi baka pauwiin lang kami dahil nga sinisipon si LO ko. Magchange pedia na ba ako? Ano po kaya pwede ko gawin kay LO kasi may sipon sya. Sa umaga okay naman pero pag gabi na barado na yung ilong nya naaawa ako kasi nakikita ko hirap syang huminga na bawat hinga nya rinig na rinig mo yung barang ilong nya. BTW 1month 14days na si baby ko. #firstbaby #advicepls #breasfeedingmom

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

unang una sa lahat it is a risk na hindi makita o masuri ng isang doktor ang isang pasyente lalo na kung need bigyan ito ng medication. pwedeng hindi angkop ung gamot na mabigay kung ibabase lang sa obserbasyon nyo. dapat sila ang magobserve ng symptoms na pinapakita ng patient. kung hindi kayo i-entertain ng physician on the day of consultation or checkup then mag change kayo. pero sa case talaga nubg pedia nyo may karapatan naman syang hindi sagutin ung tanong nyo and also in terms of monetary, it is beyond the consultation. meaning Thank you lang ang bayad nyo kasi nagtatanong kayo thru text pano nyo sya babayaran sa prof fee nya.

Magbasa pa
VIP Member

Last check up namen sa pedia ni baby for vaccine sabe lang ng pedia nya puro well babies lang din ang pwede nya tanggapin, pagmagkakasipon si baby salinase drops lang daw muna. Paghindi nakaya ng salinase drops, disudrin. Pero double check mo if ilang ml depende sa weight ni baby. Sabe din nya, pagmay sakit si baby pwede naman magconsult pero tawag lang muna. Iniisip din kase nila ung mga ibang babies kaya hangga’t maaari well babies lang ang pupunta sa clinic mommy. Mostly sa mga pedias ganyan ngayon.

Magbasa pa

Did you ask kung hospital policy ang well babies lang sa clinic? May mga ganung hospital na if you have colds and cough, you will be seen at a different clinic/different doctor. That is triaging. Regarding sa pag reply ng pedia, try to re-send your message. Baka during that time na nagtext ka, busy ang pedia: nag-catch ng newborn, driving, seeing patients at the clinic. Isipin mo hindi lang ikaw ang patient niya.

Magbasa pa

Change pedia kna momshie. Hoping and praying for fast recovery ng baby po ninyo. Huwag nyo nlang po muna pahigain ng flat c baby, mejo ielevate nyo po mula likod niya hanggang ulo para kahit papaano mejo luluwag paghinga niya. Mahirap kc kapag magpapahid ng kahit ano, lalo at 1 month 14 days p lang c baby.

Magbasa pa

Magpalit n kayo ng pedia. Ano pa silbi ng pagkadoktor Niya Kung hindi siya tatanggap ng mga may sakit. Iyon nga pinakasilbi ng propesyon Niya diba. Hindi Naman pwedeng hintayin mo yang pedia n yan. Your child needs immediate medical attention.

Lagyan mo ng langis un bunbunan ni baby mo tas un paa nya lagyan mo ska mo hagud hagudin un likod nyan tagal yan sipon na yan kng dka mkakapunta ng mga clinic gnyan gawin mo pero dpat un pag hagud mo wag mo diinan ah prang pahimas lang

Bili ka saline drops, elevate head ni baby pag sleep. Normal na sipunin ang mga babies lalo na newborn or less than 3M. Wag ka na umasa sa pedia mong ayaw atang nahihirapan at baka napipilitan lang maging doctor 😂

Mag Palit k ng pedia mo,, klngan kase ang pedia mo dapat on time p den reply nila,,, mag ask k sa mga friends no about sa pedia nila,, kng ito ay active sa text, klngan kc lalo na f my emergency to your lo

change pedia,like s case ko malayo pedia nya,tpos alanganin ang schedule nya s check up kya ako mgdecide mgapalit,basta ung pedia n ppunthan m madaming recommendation pra subok n at mgaling.

VIP Member

Nung 4 months si lo last month sa check up nya sinabihan kami ni pedia na uso ang sipon dahil sa panahon, sabe nya salinase daw.. Pero ask mo na lang si pedia mo mamsh. Get well po kay baby