Change pedia?

Hi mommies magpalit na ba ako ng pedia ni baby? May rule kasi sya na "only well babies are allowed on my clinic" then kanina umaga minessage ko sya nagtatanong ako kung ano pwede gawin o ipainom na gamot kay baby ko kasi sinisipon pero hanggang ngayon hindi sya nagrereply. May clinic sya bukas pero hindi naman ako makapunta kasi baka pauwiin lang kami dahil nga sinisipon si LO ko. Magchange pedia na ba ako? Ano po kaya pwede ko gawin kay LO kasi may sipon sya. Sa umaga okay naman pero pag gabi na barado na yung ilong nya naaawa ako kasi nakikita ko hirap syang huminga na bawat hinga nya rinig na rinig mo yung barang ilong nya. BTW 1month 14days na si baby ko. #firstbaby #advicepls #breasfeedingmom

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

unang una sa lahat it is a risk na hindi makita o masuri ng isang doktor ang isang pasyente lalo na kung need bigyan ito ng medication. pwedeng hindi angkop ung gamot na mabigay kung ibabase lang sa obserbasyon nyo. dapat sila ang magobserve ng symptoms na pinapakita ng patient. kung hindi kayo i-entertain ng physician on the day of consultation or checkup then mag change kayo. pero sa case talaga nubg pedia nyo may karapatan naman syang hindi sagutin ung tanong nyo and also in terms of monetary, it is beyond the consultation. meaning Thank you lang ang bayad nyo kasi nagtatanong kayo thru text pano nyo sya babayaran sa prof fee nya.

Magbasa pa