.
mommies maglalabas lang po ako ng sama ng loob ko... sa sarili ko po. feeling ko kasi ang walang kwenta kong ina para sa anak ko. Emergency cs po ako.. kakalabas lang po namin ng hospital nung july 15 paguwi sa bahay mejo nakaramdam na ko ng sakit ng lalamunan ko at ayun kinabukasan nagkaron na nga po ako ng ubo at sipon. at umiinom po ako ng meds kasi po mejo lumala yung ubo ko tapos kanina po pagcheck konng tahi ko mejo may dugo and parang may discharge sya at sumasakit din yung sa loob pahiga sya so pakiramdam ko yung tahi sa loob yun. so ngayon sinabihan kami na wag ko daw ibbf si lo kasi umiinom ako ng meds and hahalo yun sa gatas ko bawal ko din sya buhat buhatin kasi baka nappwersa daw ako. mommies ang simple simple nalang ng gagawin ko para sa anak ko di ko pa magagawa dahil nagkasakit ako. sobrang laki ng ginastos ng bf ko para sakin/samin. ayoko sana magopen yung tahi ko dahil ayoko na gumastos pa yung bf ko pati family nya sobrang nakakahiya kasi syempre kasalanan ko naman to eh kung bakit nangyari sakin to. sobrang naaawa ako sa anak ko kasi magfformula sya imbis na ebf sana sya, imbis na galing sakin nadedede nya, imbis na bonding sana namin yun kahit papaano. nalulungkot ako sobra. kung sakali man nagopen tong tahi ko hindi ko na alam gagawin ko. mas gugustuhin ko nalang mamatay. hindi naman din kasi nadadampot lang ang pera kaya ayun ang inaaalala ko.