Hospital Bill
Hello mommies.. magkano po hospital bill niyo noong nanganak kayo? Normal ba kayo or CS? Private or public po? Gusto ko po sana humingi ng idea para mashare ko sa asawa ko at makapag set po kami ng budget.. Thank you so much po.. ?
Cs ako 29k binayadan private room aircon public hospital.. less na jan philhealth.. inquire ka dn po sa hospital na aanakan mo.. iba iba kse talaga rate.. depende dn pa sa doctor
Cs 50k bill pero zero balance kami π wla binayaran khit piso. Public hospital here in Davao SPMC. less na sa philhealth, lingap at social works kaya zero balance π
Sakin po aabot din ng 40k plus kasama mga gamot na binili sa labas kasama na dn po kay baby.. binayaran nmn more or less 29k bawas philhealth..public hospital xa via cs
Depende kasi yan sa usapan nyo ng ob gyne, iba2 doctor may mga estimated prices sila. Sakin normal NSD 35k not included pediatrician saka nursery, tapos CS sakanya 60k.
42k final bill namin. Nasa private hospital ako then may HMO card which is covered lahat. New born screening lang ng baby ko ang binayaran namin. Via NSD po ako.
Sa Navotas Hospital, Wala akong binayaran. Covered lahat ng philhealth ko. Normal delivery at okay naman ang service nila. Malinis and mababait ang mga nurse.
dipende po mas okay check nyo po sa pagaanakan nyo po may mga package po kasi mga hospital sa mga manganganak π yung sa adventis nasa 27k pag ward room ka π
First baby ko nanganak ako nung august 21 sa amang Rodriguez 1080 bill namin ni baby both heheh 640 sakin at 440 kay baby Normal delivery ako
11k ang bill ko sa private hospital 1 daY lng ksO may philhealth ako so wla po ako nbayaran, free newborn screening,hearing test,check up ko at c baby..
Saan to mamsh?
13k+, normal delivery, private. Mas mura pa sana if midwife tsaka walang anesthesiologist pero advice kasi sakin since first baby ko under sa doctor.
Wondermom of 2