pusod ni baby

Mommies mag 1month na pusod ni baby sa aug9 di pa din natatanggal :( nagwworry na ako.. alaga ko nmn po sa alcohol every change diaper nya nililinis ko. Pinacheck ko na din sa pedia nung thursday sabi linisan lang daw lagi alcohol at malapit na daw matanggal. Pag umabot pa ng 1month to.ippacheck ko ulit hays kakaparanoid mommies 😥 wala nmn discharge or amoy di ko alam bat ayaw pa din matanggal 😩

pusod ni baby
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Patakan mo palagi ng alcohol. Ung sa baby ko nagworry ako kasi 1week na di pa rin natatanggal. Pang 7th day, as in sinipagan ko lang mayat maya patakan alcohol at air dry.. Nung araw din un, bigla na nalaglag pusod ng baby ko.

5y ago

Ung sa baby ko, 2days pa lang tinanggal na clip bago kami na-discharge from the hospital.