Need your sentiments or may iba ba naka experience nito?

hi mommies! kwentuhan tayo. i'm 7 months preggy na. need ko lang ng makakausap and advice nyo or outlook. I am 25 na and sobrang strict ng parents ko. nung nalaman nilang buntis ako sobrang nagalit sila samin ng bf ko. ang nangyari din kasi 5 months na ko nung nalaman or naconfirm namin na preggy ako. super indenial kasi ako nun akala ko may sakit lang ako. so ayun nga, mahirap lang ang family ng bf ko, kami may kaya. pero nag sisikap sya at alam kong hindi nya kami papabayaan kaya ko sya nnagustuhan ang gusto mangyari ng parents ko mag pakasal na kami agad agad bago to lumabas pero hindi pa kami handa. tsaka malaki na tiyan ko. ang initial na plan namin magpakasal muna civil super private lang. ayaw ng parents ko. parang bibilhin daw kasi ako ng family ng guy so dapat ipakita nila kung magkano tigin nila sakin (ganun ata daw noon) eh mahirap nga lang family ni bf. tsaka ang gusto namin kami gagastos para wala silang masabi samin. pero nga gusto pa namin paghandaan. ngayon galit na galit parents ko kasi itutuloy namin plan namin na civil muna. di daw sila pupunta sa ceremony. nd wg daw ako mag stay sa side nya hanggatdi kami kasal sa simbahan and worst wag daw pupunta bf ko dito hanggat walang marriage cert. next week na kasal mamin. habulin lang din sana namin marriage cert para pagka panganak ko, sa birth certificate ni baby married na kami. what are your thoughts on this mga mamsh? sorry ang haba :)

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

my advice to you. don't go thru with the wedding yet. wag na muna kayo magpakasal. mas ok yung hindi kayo maikasal kesa maikasal kayo ng civil pero may samaan kayo ng loob ng parents mo. palabas naman na si baby. pag lumabas yan magiging busy ang lolo at lola mahalin si baby kesa ikasal kayo ng hindi kayo ready. mother and father pa rin naman kayo sa birth cert ni baby. kung legitimacy ang issue, pag nakasal kayo automatic legitimate si baby.

Magbasa pa