Need your sentiments or may iba ba naka experience nito?

hi mommies! kwentuhan tayo. i'm 7 months preggy na. need ko lang ng makakausap and advice nyo or outlook. I am 25 na and sobrang strict ng parents ko. nung nalaman nilang buntis ako sobrang nagalit sila samin ng bf ko. ang nangyari din kasi 5 months na ko nung nalaman or naconfirm namin na preggy ako. super indenial kasi ako nun akala ko may sakit lang ako. so ayun nga, mahirap lang ang family ng bf ko, kami may kaya. pero nag sisikap sya at alam kong hindi nya kami papabayaan kaya ko sya nnagustuhan ang gusto mangyari ng parents ko mag pakasal na kami agad agad bago to lumabas pero hindi pa kami handa. tsaka malaki na tiyan ko. ang initial na plan namin magpakasal muna civil super private lang. ayaw ng parents ko. parang bibilhin daw kasi ako ng family ng guy so dapat ipakita nila kung magkano tigin nila sakin (ganun ata daw noon) eh mahirap nga lang family ni bf. tsaka ang gusto namin kami gagastos para wala silang masabi samin. pero nga gusto pa namin paghandaan. ngayon galit na galit parents ko kasi itutuloy namin plan namin na civil muna. di daw sila pupunta sa ceremony. nd wg daw ako mag stay sa side nya hanggatdi kami kasal sa simbahan and worst wag daw pupunta bf ko dito hanggat walang marriage cert. next week na kasal mamin. habulin lang din sana namin marriage cert para pagka panganak ko, sa birth certificate ni baby married na kami. what are your thoughts on this mga mamsh? sorry ang haba :)

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

My thoughts naman. Ako kasi both of my parents died. So brother ko nalang yung tumatayong magulang ko. I'm 31. Hindi naman nagalit Kuya ko shemrpre right age na rin, pero nagdemand ng kasal ang kuya ko sa family ng bf ko. Mahirap lang din bf ko, simple lang sila mamuhay. Unlike samin, may kaya kami. Kung bubay din parents ko, magdedemand din yung papa for a wedding. Ang funny nga eh, magulang pa ng bf ko yung nagalit. Hahaha jinudge ng father-in-lawko yung family ko agad agad. Yung bf ko mahina loob nun e. Naduwag siyang umamin sa parents niya na buntis ako. Eh nasa right age na naman kami. Though ngayon okay okay na yung samahan namin. Mahirap nga lang buhay nila. Kaya lang hindi rin ako makakapag civil wedding this year kasi yung ate ng bf ko may plans rin to get married. Pero hindi issue sakin yun. Ang kasal kasi madali nalang yan, ang wino-work-out kasi jan is building a family. Your own family. Both families (bf ko at sakin) have the same concerns. Ngayon nakatira ako sa bahay ng parents ng bf ko, mahirap ng buhay kasi hindi ito yung kinalakihan ko. Sainyo ng bf mo yung decisions. Ang maganda lang kasi kapag kasal kayo lahat ng rights, benefits, easy process on papers etc etc as a wife nasayo na. ♥️ To be honest until now undecided pa rin ako kung this year ang kasal ko or next year. Kasi today palang ang uwi ng ate ng bf ko galing abroad.

Magbasa pa

I can relate to what you're going through. i've been there. medyo mahirap kasing magbase lang sa kwento mo, dahil point of view mo lang yan and we don't know you, your parebts or your bf. right now ang dating sa nakakarami, eh unreasonable or hindi ka naiintindihan ng parents mo. but the thing is, wala naman masama sa gusto nila. they just want what's best for you. The only thing i can tell you is, wag madaliin ang kasal kung para lang kay baby. Yung birth certificate nya walang problema, pwde naman ilagay as father si bf kahit hindi kayo kasal. Walang problema sa civil wedding, just as long as you are getting married for the right reasons and not because you got pregnant and will be having a baby soon. :) If you don't mind me asking sis, how long have you been together ba ni bf? Before ka ba mabuntis nappaagusapan niyo na yung kasal? Or napagusapan ung kasal nung buntis ka na?

Magbasa pa

momsh kahit anong mangyari kung sa tingin mo at ramdam mo na kayo ang para sa isat isa talaga ni bf eh magpakasal kayo sa paraan na gusto nyo. ako hindi ako buntis nung kinasal kami ni hubby, pero sobrang mahirap talaga ang family nya , panganay sya , tatay nya lasengero,, nanay nya patay na, magulo family nya, pero nagpakasal pa din kami, nag ipon kami, at sinuportahan naman kami ng parents ko kasi kakaiba ang katangian ni hubby, hindi nila hinusgahan si hubby kasi masikap sa buhay at respnsable at higit sa lahat napaka maalaga nya. kami ang nag decide kung anong klaseng kasal ang mangyayari, nag civil wedding kami kahit gusto ng parents ko ay church wedding i justify nyo lang na mas importante ang pagsasamahan nyo ng matagal kaysa sa isang araw lang na seremonya at selebrasyon! 😉😉😉😉

Magbasa pa

Medyo na sad lang ako sa story mo sis. Pang mmk sya anyways. Kung alam nyo sa sarili nyo na nag mamahalan kayo ipaglaban nyo ito. Kung ano man sasabihin ng iba patunayan nyo na mas mangngibabaw pa din ang pagmamahal nyo sa isat isat. Mahirap talaga pag yung parents mo is hindi open minded kung baga makaluma parin ang paniniwala nila lalo na in the name of pagkakakasal whichbis now a days di naman na applicable. I think kung sa sitwasyon nyo anjan na kasi yan go nalang pero sa susunod na mga bahagi ng relasyon ninyo wag nyo sana hayaan na madala sa sinasabi ng iba. Relasyon nyo yan at kayo lang ang dapat mag decide.

Magbasa pa

Yes to civil wedding. Besides 25 kana at desidido naman ang bf mo na pakasalan ka. Ako nga gusto ko magpakasal din kami kahit sa judge lang kaya lang halatang ayaw nya pa at decision din ng parents nya na hindi sulusyon ang pagpapakasal ngayon. Nahurt ako kase ako gusto ko magpakasal na kami dahil para na din sa bata na married kami paglabas nya at love ko din naman kase sya. Pero yun nga dahil 22 palang kami di ko na muna kwenestyon ang decision ng parents ang akin basta suportahan ang anak ko ok na ako. Kaya go ate! Kung ano ang tingin nyong mas magpapatibay ng relasyon nyo push nyo yan. God bless.

Magbasa pa

Don't rush into wedding para lang sa baby. Me and his parents agreed na hindi muna kami magpapakasal. Kasi nakapetition ako papunta ibang bansa, and mas madami proseso kung maiiba status ko at apelido ko. Mas maganda if mag usap usap kayo bout dyan. Sympre gusto ko bago lumabas si baby kasal kami kasi pareho naman may kaya naman family namin at magpakasal agad sa simbahan. Pero inisip namin kung ano kung praktikal. Mahirap din yung may sama ng loob yung parents mo at hindi sila aattend sa isa sa masasayang araw sa buhay mo which is yung wedding.

Magbasa pa

Kelangan nio panindigan kung ano talaga ang napag kakasunduan nio ng bf mo, tutal sabi mo naman masikap sia kahit na mahirap lang sila then why not ituloy nalang kung ano dapat lalo sa anak nio, mgkaka pamilya na kayo kung anuman ang alam nio mas makakabuti sa pamilya nio then go, hayaan nio na yung parents nio, ganyan lang mga yan pero pag nakita nila Apo nila mgbabago din lahat. Go lang sa magandang plano for your own family. Congrats sa wedding nio momshie! 🎉

Magbasa pa

my advice to you. don't go thru with the wedding yet. wag na muna kayo magpakasal. mas ok yung hindi kayo maikasal kesa maikasal kayo ng civil pero may samaan kayo ng loob ng parents mo. palabas naman na si baby. pag lumabas yan magiging busy ang lolo at lola mahalin si baby kesa ikasal kayo ng hindi kayo ready. mother and father pa rin naman kayo sa birth cert ni baby. kung legitimacy ang issue, pag nakasal kayo automatic legitimate si baby.

Magbasa pa
VIP Member

Kami nga nagpakasal ng hubby ko libre lang sa mass wedding yun hiram kolang mga gowm at iba kanya kanya din rent ng gowns yung mga abay ko, pagkain lang ginastos namn staka sa mga iba pa, wala nga ka dexorations nun sa receptions dito lang sa bahay basta madami lang food para busog mga bisita pero simple lang talaga ginawa namin kase importante legitimate si baby at sigurado naman na kmi ng asawa ko sa isat isa haha

Magbasa pa
VIP Member

Ok naman sis kung kasal na kayo after mo manganak para legitimate si baby, wala naman yan sa bongga o simple lang importante nagmamahalan kayo at sigurado kana sa partner mo.. Hayaan mo magulang mo kase ang asawa mo naman ang makakasama mo eh, staka wala naman sila magagawa kung hindi nyo kaya yung gusto nila mangyari alangan pigain nil yung partner mo ang hirap kaya ng buhay ngayun. Hehe

Magbasa pa