may something?

Mommies, kwento ko lang... Kanina tulog kami ni baby sa kwarto ng biglang nagpoop sya umiyak kaya inisip ko linisin sya sa sala nalng dahil hapon na din..paglabas ko nilapag ko si baby sa crib, then on ko yung ilaw kumuha ng cotton balls.. Pagtingin ko kay baby hindi naiyak tahimik at nakatagilid buong body nya kaway kaway dalawang kamay nya sa isang side ng crib.. Nagtaka ko,kasi kami lang andon.. Nilinisan ko na sya habang nakatagilid sya hirap ako dahil yung pwet nya di ko makita di ko maangat paa nya naninigas.. Tapossabi ko baby bakit ayaw mo angat paa mo para malinis na.. Pag check ko ng muka nya naka nguso si baby at parang nagsasalita yung ungol na kinakausap. Then yung mata nya naka steady sa taas nakatingin,kinakausap ko sya hindi ako pinapansin.. Natakot ako mommies.. Kinatok ko ate ko sa kwarto dala si baby kahit may poop pa pwet nya.. Ganon pa din itsura nya nakatingin sa taas at nakanguso naungol ungol... Kaloka talaga kinuha ni ate ko ang tagal naka ganon si baby inikot ikot ni ate sa house para mabaling atensyon like sa tv namin. Ang tagal bago biglang napatingin si baby sa tv humikab at inantok.. Mommies ano kaya nangyari kay baby? sabi ni ate may nakipagusap kay baby na sya lang nakakakita. Totoo ba un.. Nangyari ba sa inyo yon? 1 1/2 mos palng si baby..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kinakausap cguro xa ng angel nia...nilalaro dw kc cla pgsobrang msaya taz tumatawa ng ng iisa..minsan nmn dw niloloko din cla kya naiyak ng walang dhilan taz hihinto din..