Hi mommies, may katanungan ako. May balak kasi akong umuwi ng province (leyte), nasa caloocan ako ngayon with my live in partner and I am running 6 months of being pregnant. Nung January ko pa balak umuwi yun nga nadelay dahil inaantay ko din yung backpay ko sa work nagresign kasi ako gawa ng bawal din Yung buntis sa tinatrabahoan ko and more on puyat dun kasi may night shift. So ngayon Yung Isa Kong itatanong, pwede pa ba akong magtravel ngayong march kasi sa pagkarinig ko bawal daw bumyahe Yung buntis . Bus din po Kasi sinasakyan ko paluwas ng probinsya. Second question, gusto ko talagang magsettle na sa probinsya ako manganak Kasi andun yung parents ko kampante ako. While yung L.I.P ko nakiusap na wag nalang daw akong umuwi tutol siya, dun nalang din daw sa province nila (Gapan,nueva ecija). Kasi ilang oras lang din byahe kapag uuwi Doon, gusto niyang makita at mahawakan baby namin pag nailabas ko na. Nung pinilit ko Ang gusto ko na uuwi talaga ako Kasi mas prefer ko kasama si mama sa pag aalaga kesa dun sa kanila. mabait Naman family niya pero sobrang nahihiya pa ako Lalo na ngayon naghahanap ulit NG work partner ko. Ako Kasi ung tipong ayaw makarinig Mula sa iba ng Kung ano ano. ilang years din Kasi akong namuhay NG mag Isa Kaya takot akong majudge or Kung ano pa. Umiiyak na Kasi siya in times na magkukwentuhan na kami tungkol sa pag alis ko. Ano bang mas pipiliin ko dito, sa province Kaya namin o sa province nila kasama lahat family niya.