Paano niyo ginagamot ang tahi ng Normal Delivery?
Hi Mommies! Kakapanganak ko lang last Aug 22 via NSD. Hanggang ngayon medyo makirot pa din yung tahi ko sa bandang puwitan pero tolerable naman. May blood discharge pa din gaya ng sa regla. Sabe kasi ng OB ko, wag daw langgasan ng bayabas kasi mabilis daw bubuka yung tahi. Betadine feminine wash lang daw ang ipanlinis. Medyo worried lang ako kasi yung discharge ko minsan is medyo brown. Baka kako maimpeksyon ako pag di pa sya natuyo. Any advice po paano nyo ginamot yung sa inyo? Salamat mommies! #firstbaby #advicepls #1stimemom #theasianparentph
actually ang mga doctor o sino man nasa medical field hindi naniniwala sa mga herbal medicines gaya ng paglalanggas ng dahon ng bayabas. syempre kumikita sila kapag nagrereseta ng gamot. pero ako based sa experience from panganay to bunso normal delivery at may tahi naglalanggas pa rin ng dahon ng bayabas. turo pa nga ng tita ko yung pinagkuluan ng dahon ng bayabas ilagay ko sa maliit na timba tapos umupo ako dun para yung singaw or usok nun maaabsorb ng pempem at ng tahi.. open na open kasi ang pempem pag nanganak yung usok nun natural nyang pinapagaling at nililinis yung birth canal yung dinaanan ni baby palabas kaya talagang maiilabas mo yung mga tira tira pang dugo.. di naman kasi yan nalilinis ng super linis ng mga ob gyne or midwife eh.. tapos yung katas mismo ng pinakuluang dahon ng bayabas ang ihuhugas sa pempem. betadine feminine wash ang pinakasabon. after 6 days kusang natunaw yung sinulid sa tahi ko at nakakalakad na ko ng normal walang kirot. try mo po basta hugasan maigi ang dahon ng bayabas bago pakuluan.
Magbasa paAko po 1week pa lang natuyo na sugat ko, Betadine feminine wash at dahon ng bayabas lang. ang gawin mo sis Mag laga ka ng dahon ng bayabas pakuluan mo tapos lagay mo sa tabo upuan mo yun ng 10 mins. (Masarap sa pakiramdam nawawala yung kirot nung sugat medyo mainit lang tiis tiis lang) pag tapos ng 10 mins. gumamit ka ng feminine wash, yung dahon ng bayabas pang hugas mo sa private part mo syempre dagdagan mo ng konting tubig para maligamgam lang. ayan lang ginagawa ko tuwing umaga at hapon. syempre may gamot din akong iniinom. (Antibiotic). Sana Makatulong sayo 😊
Magbasa pasamr tayo momsh ganyan tlaga gnawa ko ang sarap sa feeling.
sis betadine feminine wash gmit ko panggamot dun sa pinasukan ng catheter sakin dati, mahapdi siya dalawang patak lng sa tabo na may maligamgam n tubig tpos haluin mo bubula un. tpos un n panghuhugas mo. ung blood discharge mo e tatagal ng 2 weeks. ung brown n sinsbe mo ung blood n ptuyo n un kasi nwawalan k n ba ng blood discharge pra sin yang regla ung pahabol na discharge.
Magbasa paPang 5th day ko no pain na ako sa tahi ko kaya nakakakilos na ako ng maayos. Ang ginawa ko is ung pinakuluang dahon ng bayabas ang pinanghuhugas ako 3x a day bsta ung hnd sobrang init ah tama lang na nakakaalis ng kati at discharge then betadine na fem wash. Hnd ko naman sinabi sa OB ko na gnun ginawa ko. Hnd ko nga ininom ung antibiotic na reseta saken eh eh
Magbasa paSame here sis ganyan din ako .. mag 1 month na kame sa 31. My discharge padin halos kagagaling Lang Ng tahi ko. Kusa natanggal Yun sinulid. At Ang gamet ko Yung binili ko feminine sa ob ko. Pinang huhugas ko maligamgam. Pero sa panganay ko normal delivery sa bahay may tahi ako pero langgas Ang ginawa ko okay Naman din.. mas mabilis sya gumaling.
Magbasa paHi mommy. I used betadine feminine wash too. Pero inadvise din ako na maglanggas. Huhugasan naman ng maayos yung dahon ng bayabas bago pakuluan. Natural antibiotic naman yun. At based on experience ko, mas magaan pakiramdam ng sugat ko pag naglalanggas kesa betadine lang.
feminine wash lang mommie kase sakin yun lang pinang huhugas ko hanggang pwet din tahi ko tuwing iihi ako hinuhugasan ko sya ng feminine wash tapos palit agad ng napkin normal lang yung brown discharge saka 1month 1/2 fully heal na yung tahi ko
ako din hanggang pwet ang tahi ko.. hirap lng ako sa pg dumi😥
ndi rin ako naglanggas ngaun kc madali raw matutunaw ung sinulid, w/c makakapag cause ng pagkatanggal ng tahi...uminom lng ako ng mefenamic + antibiotic n prescribed ni OB tpos nilalagyan ko ng alcohol ung napkin ko 😊
Si OB ko po mismo nag advice pinakuluang dahon ng bayabas pnanghuhugas ko sa sugat at pinangliligo ko na rin, minsan pag sinipag ako steam naman dun sa sugat gamit ulit yung tubig na umuusok pa. May cream din po nilalagay Foskina after maligo at bago matulog. Mabilis po gumaling napansin ko in 1 week na gnagawa ko sya ang laki ng tnuyo ng sugat ko.
Magbasa paMas effective pa din po talaga mag langas ng bayabas mommy. Sakin halos 1week umokey yung tahi ko. Ngayon mas maayos na ako nakakalakad at nkakaupo. I gave birth last August 16 lang. 😄
Queen bee of 1 superhero cub