Paano niyo ginagamot ang tahi ng Normal Delivery?

Hi Mommies! Kakapanganak ko lang last Aug 22 via NSD. Hanggang ngayon medyo makirot pa din yung tahi ko sa bandang puwitan pero tolerable naman. May blood discharge pa din gaya ng sa regla. Sabe kasi ng OB ko, wag daw langgasan ng bayabas kasi mabilis daw bubuka yung tahi. Betadine feminine wash lang daw ang ipanlinis. Medyo worried lang ako kasi yung discharge ko minsan is medyo brown. Baka kako maimpeksyon ako pag di pa sya natuyo. Any advice po paano nyo ginamot yung sa inyo? Salamat mommies! #firstbaby #advicepls #1stimemom #theasianparentph

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here sis ganyan din ako .. mag 1 month na kame sa 31. My discharge padin halos kagagaling Lang Ng tahi ko. Kusa natanggal Yun sinulid. At Ang gamet ko Yung binili ko feminine sa ob ko. Pinang huhugas ko maligamgam. Pero sa panganay ko normal delivery sa bahay may tahi ako pero langgas Ang ginawa ko okay Naman din.. mas mabilis sya gumaling.

Magbasa pa