Paano niyo ginagamot ang tahi ng Normal Delivery?

Hi Mommies! Kakapanganak ko lang last Aug 22 via NSD. Hanggang ngayon medyo makirot pa din yung tahi ko sa bandang puwitan pero tolerable naman. May blood discharge pa din gaya ng sa regla. Sabe kasi ng OB ko, wag daw langgasan ng bayabas kasi mabilis daw bubuka yung tahi. Betadine feminine wash lang daw ang ipanlinis. Medyo worried lang ako kasi yung discharge ko minsan is medyo brown. Baka kako maimpeksyon ako pag di pa sya natuyo. Any advice po paano nyo ginamot yung sa inyo? Salamat mommies! #firstbaby #advicepls #1stimemom #theasianparentph

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po 1week pa lang natuyo na sugat ko, Betadine feminine wash at dahon ng bayabas lang. ang gawin mo sis Mag laga ka ng dahon ng bayabas pakuluan mo tapos lagay mo sa tabo upuan mo yun ng 10 mins. (Masarap sa pakiramdam nawawala yung kirot nung sugat medyo mainit lang tiis tiis lang) pag tapos ng 10 mins. gumamit ka ng feminine wash, yung dahon ng bayabas pang hugas mo sa private part mo syempre dagdagan mo ng konting tubig para maligamgam lang. ayan lang ginagawa ko tuwing umaga at hapon. syempre may gamot din akong iniinom. (Antibiotic). Sana Makatulong sayo 😊

Magbasa pa
5y ago

samr tayo momsh ganyan tlaga gnawa ko ang sarap sa feeling.