Leave mula ng mabuntis plus maternity leave

Hi mommies, may itatanong lang sana. Mula ng magbuntis kasi ako ay nagbedrest po ako kaya need magleave until 5 months po panay leave ko po nun. Ngayong 6 months nagtry na ko pumasok. Kaso inadvise sakin ng OB ko na ituloy ko na leave hanggang manganak na po ako dahil maselan ang pagbubuntis ko. Tanong ko lang, wala naman po karapatan ang employer na i-force tayo na magresign diba if halimbawa na ituloy ko na leave ko hanggang kabuwanan at maternity leave after manganak? Ayoko din kasi po na magresign pa at bitawan ang work ko kasi ang hirap maghanap ng trabaho. Paano po ginawa nyo mga mommies? Please help po. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi, sa company po namin may kakilala po ako na buong pregnancy niya ay di na po siya pumasok lalo na po 3rd attempt na po niya magbuntis nun kasi nakunan po siya twice within the same yr.. pinayagan naman po siya. Then ako po sa ngayon ay almost 3 months na rin po di nakakapasok mula po malaman ko na buntis ako kasi nagkaron po ako spotting then nagbleeding pa po so need bedrest lalo na po nakunan na po ako last yr. VL at SL ko lang po gamit ko till now. Need ko lang po magpresent sa company ng Med Cert from OB stating ng condition ko.

Magbasa pa