Leave mula ng mabuntis plus maternity leave

Hi mommies, may itatanong lang sana. Mula ng magbuntis kasi ako ay nagbedrest po ako kaya need magleave until 5 months po panay leave ko po nun. Ngayong 6 months nagtry na ko pumasok. Kaso inadvise sakin ng OB ko na ituloy ko na leave hanggang manganak na po ako dahil maselan ang pagbubuntis ko. Tanong ko lang, wala naman po karapatan ang employer na i-force tayo na magresign diba if halimbawa na ituloy ko na leave ko hanggang kabuwanan at maternity leave after manganak? Ayoko din kasi po na magresign pa at bitawan ang work ko kasi ang hirap maghanap ng trabaho. Paano po ginawa nyo mga mommies? Please help po. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po yun sa policy ng company, kaya dapat talaga binabasa mabuti ang contract bago pumirma. 9 months ang pagbubuntis .. kung simula palang ng pregnancy hindi ka na pumapasok ede almost 1 year kang wala. Ang sakop lang ng maternity benefits ay 3 months leave after manganak. (DEPENDE kung may adjusted days gaya sa company namin na may offer na extended 1 month UNPAID maternity leave) Better talk to your HR about sa situation kase iba iba ang policy lalo na pag private companies.

Magbasa pa
3y ago

no mommy kung nakahulog ka sa sss sa parehong taon kahit magleave kpa ng 7 months may makukuha kaparin po as long na nakapaghulog po si employer of 3 months